^

Punto Mo

May hiwaga sa pag-ibig

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Sa Bali Indonesia, ginagayuma ang isang babae sa pamamagitan ng pagpapakain dito ng isang uri ng herb na may nakasingit na picture ng god na may malaking penis.

• Ayon sa pag-aaral ng mga scientist, mai-in love muna ng average na pitong beses ang isang tao bago magdesisyong magpakasal.

• Hypopituitarism ay isang kakaibang sakit kung saan ang isang  tao  ay  hindi nakakadama ng romantic love.

• “Frustration attraction” ang tawag sa nadarama ng isang taong iniwan o pinagsawaan ng minamahal pero sa halip na magalit ay lalo siyang nahahaling o nai-in love sa taong umiwan sa kanya.

• Mga babaing may maliit na beywang ang gusto ng mga European males. Ang tamang sukat ng seksing beywang ay 70 percent ng sukat ng balakang.

• Ang mga beauty icons na sina Audrey Hepburn at Venus de Milo ay may sukat ng beywang na eksaktong 70 percent ng kanilang balakang.

• Base sa isinagawang pag-aaral, mas nai-in love ang lalaki kung nakilala niya ang babae sa isang “dangerous situation” halimbawa, nagkakilala sila habang nakasakay sa bus na nakaranas ng aksidente. Kumpara sa isang normal situation, kagaya ng  party.

• Mas maraming manliligaw ang babaing may symmetrical face (pantay ang left at right side ng mukha). Karaniwan nang hindi pantay ang ating mukha. Halimbawa, mas matambok ang kanang pisngi kaysa kaliwa. O, kaya ay medyo kirat ang kanang mata, pero normal ang kaliwa. (May karugtong)

 

 

 

vuukle comment

LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with