_pang-masa
^

Punto Mo

Facts tungkol sa mga aswang (Last part)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

PAANO patayin ang aswang?

Una, kailangan mo munang hulihin sila. Ang palatandaan na may aswang na aali-aligid sa bahay ninyo ay may maaamoy kang napakabaho na tila amoy ng naaagnas na bangkay. Kagaya ng nasabi ko sa unang bahagi ng artikulong ito, ang langis na ipinapahid nila bago magpalit ng anyong aswang ay gawa sa langis ng niyog na hinaluan ng ipot ng manok, nabubulok na bangkay at dugo ng tao.

Mahirap humuli at pumatay ng aswang dahil mas tumatanda sila, mas nagiging malakas at eksperto sa kung anong dapat gawin kapag may aatake sa kanila. Mas mainam na tagain sila sa pinakasentro ng likod upang ang sugat na lilikhain ng itak ay hindi nila madidilaan. Ang sugat ay dagling gagaling pagkatapos nila itong dilaan.

Kung nag-anyong baboy o aso ang aswang, tagain ito sa buntot dahil naroon ang lakas nila. Kung sakaling naigupo na sila, tadtarin ito nang taga at itapon ang mga bahagi sa magkakahiwalay na lugar. May kapangyarihan silang mabuo ang mga parte ng katawan at mag-anyong tao muli.

Hindi sila takot sa krus ngunit hindi sila makalapit kung ang lugar na pupuntahan nila ay may nakabaliktad na walis tingting. ‘Yung handle o pinagtatalian ang nasa ibaba at dulo ng tingting ang nasa ibabaw.

Totoong may aswang. Kung hindi totoo, walang lulutang na ganitong dokumentaryo tungkol sa kanila. Mag-ingat. Magmasid. Be kind. Always.

Sources:

Book: The Aswang Inquiry by Frank Lynch, SJ/ Illustration and Retelling by Gilda Cordero Fernando;

Website: 17 Facts About Manananggal / 25 Facts About Aswang by January Nelson; Defense Against Dark Creatures by Dabawenyong Lumad 

 

GHOST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with