_pang-masa
^

Punto Mo

Facts tungkol sa aswang (Part 2)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Bukod sa kaibigan, ang hindi kinakatalo ng mga aswang ay ang kanilang mga kapitbahay. Naghahanap sila ng biktimang malayo sa lugar na tinitirhan niya. Kapag kinatalo niya ang mga kabarangay, malamang na mabuko ang tunay niyang pagkatao at  inilalapit lang niya ang sarili sa maagang kamatayan.

• Mas gusto nilang kainin ang fetus sa sinapupunan ng buntis. Akala ng iba ay dila nilang humaba ang ipinangsisipsip ng fetus. Kapag sila ay nag-anyong aswang, may tumutubong sungot na mahaba na tila straw ng softdrinks sa kanilang bibig. Ang dulo ng sungot ay matulis. Ito ang itinutusok nila sa tiyan ng buntis at ipinangsisipsip ng fetus. Ang halimbawa ng sungot ay ang matulis na bagay sa ulo ng hipon. Sa pang-amoy ng isang aswang, kasingbango ng hinog na langka ang fetus.

• Minsan, nag-aasawa rin ang aswang. Kung normal na tao ang kanilang napangasawa dahil hindi naman alam na aswang siya, magiging aswang na rin ang napangasawa pagkatapos ng honeymoon. Pero bihirang magkaroon  ng anak ang aswang. Pero kung magkakaanak, ang bata ay magiging automatic na rin na aswang. Hanggang 7th generation ang hawahan ng pagiging aswang.

• Hindi nagsasabay ang mag-asawang aswang sa paghanting ng mabibiktima. Sa lahat na ayaw ng mga aswang ay magsalo sila sa isang biktima. Dapat ay solo lang niyang kakainin ang kanyang biktima. Kaya madalas ay kanya-kanya sila ng paghahanap ng kanilang pagkain.

• May tatlong klase ng aswang: Naglalakad; lumilipad na buo ang katawan at kamay lang ang ikinakampay niya; lumilipad gamit ang pakpak pero kalahati lang ang katawan at ang lower part ay iniiwan sa tagong lugar kagaya ng sagingan. Pinagmumukha nilang puno ng saging ang kalahati ng katawan. (May karugtong)

GHOST
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with