_pang-masa
^

Punto Mo

Facts tungkol sa aswang

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Malaki ang tsansang may nakasalamuha ka nang aswang­ pero hindi mo alam. Kaya alamin ang katotohanan tungkol sa kanila.

l Hindi sila katulad ng bampira na takot lumabas sa araw dahil hindi naman sila napeperwisyo ng sikat ng araw. Iyon nga lang, mahina ang power nila kung araw. Sa gabi sila nagkakaroon ng superhuman strength. Katulad ng mga normal na tao, sila ay nakikisalamuha sa kanilang komunidad. Nagtatrabaho rin sila sa araw-araw upang hindi sila mapaghinalaan.

l Namumula ang mata nila dahil kagaya ng normal na tao, namumula ito kapag walang tulog. Isinasagawa nila ang paghahanap ng mabibiktima sa buong magdamag kaya’t hindi sila natutulog. Mas magandang maglibot sa komunidad kapag tulog na ang lahat. Iyon ang oras para maghanap ng patay na pinaglalamayan, bagong libing sa sementeryo o mismong buhay na tao.

l Ang dahilan kung bakit napakaliwanag ang ilaw sa burol ng patay ay upang hindi makalapit ang aswang at manakaw ang patay. Nasisilaw sila sa sobrang liwanag ng ilaw. Kaya’t wala silang choice kundi maghanap na lang ng mga bagong libing sa sementeryo.

l Kahit aswang, tao rin sila na nakakadama ng iba’t ibang emosyon. May nakikipagkaibigan sa kanilang kapitbahay at nagiging mabuting kaibigan. Kapag naging kaibigan ka, hindi ka nila peperwisyuhin kahit kailan.

l Malalaman kung aswang ang kaharap mo kung ang imahe mo sa kanyang mata baliktad. O, kaya, tingnan mo siya nang nakatungo kung saan ang ulo mo ay ilalagay sa gitna ng iyong dalawang hita. Ang makikita mo ay tunay niyang hitsura kapag naka-transform bilang aswang.

(May kasunod)

GHOST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with