^

Punto Mo

Usapang mag-aama

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NAGBALIKBAYAN ang aking mister mula sa Saudi. Ang dalawang anak kong lalaki ay 6 years old at 4 years old noon. Halatang sabik sa ama ang dalawang bata. Habang nasa mall, kahit hindi maiihi ay pilit pa rin sumama ang dalawa sa kanilang ama papunta sa toilet. Curious pumasok sa Comfort Room (CR) ng lalaki dahil kapag kaming mag-iina lang ang namamasyal sa mall, sa CR ng babae ko lagi sila dinadala.

Sa loob ng CR, biglang nagtanong ang bunso sa kanyang ama na dinig ng lahat ng lalaking umiihi rin.

“Daddy, bakit maliit ang sa akin ? Sa iyo malaki?”

“Lalaki rin ‘yan paglaki mo? ”

Nakita ng mister ko na nagngisihan ang mga tao sa loob ng CR. Sumabat sa usapan ang panganay na medyo natututo na ng kapilosopohan.

“Kung pandak ang tao, lumalaki rin Daddy?”

Isang lalaking tawang-tawa sa usapan ng mag-aama ang sumagot: “Lumalaki rin pero matabang maikli” sabay hagalpak nang tawa.

Paglabas sa CR, tuloy pa rin ang pag-uusap ng mag-aama. May kahilingan ang panganay.

“Daddy puwedeng huwag ka na pumunta sa Saudi? ”

“Bakit?”

“Para kapag namamasyal dito sa mall, may kasama kami sa CR. Ayaw naming umihi sa CR ng girls. Tapos ayaw naman kaming payagan ni Mommy na mag-isang umihi sa CR ng lalaki. Baka raw may kumidnap sa amin.”

Minsan kasi ay nagpumilit ang panganay na umihi sa CR ng lalaki. Kaya raw niyang mag-isa. Kaso nagtagal. Nag-alala ako. Wala akong makitang janitor para utusang hanapin ang aking anak. Ako ang pumasok. Kinapalan ko na ang aking mukha.

“Excuse me po, hinahanap ko lang ang aking anak…(inilakas ko ang pagtawag sa pangalan ng aking anak)”

Sumagot naman agad. Doon daw siya umihi sa loob ng cubicle dahil mataas para sa kanya ang urinal.

Inisip ng aking mister ang pakiusap ng anak. Nagpasya siyang dito na sa Pilipinas magtrabaho. Buti na lang at ganoon ang kanyang ginawa. Hindi sana niya nasaksihan ang pagpupunyagi ng aming mga anak para makarating sa kinalalagyan nila ngayon.

vuukle comment

FATHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with