^

Punto Mo

EDITORYAL - Cash subsidy sa jeepney drivers

Pang-masa
EDITORYAL - Cash subsidy sa jeepney drivers

HUMIHINGI ng P3 taas pasahe ang mga grupo ng jeepney drivers na masyado nang apektado sa pagtataas ng gasoline at diesel. Walong sunud-sunod na lingggo nang nagtataas ng presyo ang mga kompanya ng langis at sa kabila nito walang pagkilos ang Department of Energy (DOE). Sa Martes ay nakatakda na namang magtaas ng presyo (ika-siyam na pagtataas) ang oil companies. Mahigit P60 na ang bawat litro ng gasolina. Sabi ng mga jeepney drivers, doble dagok na ang nararanasan nila dahil bagu-bago pa lamang silang nakakapasada dahil sa pandemya ay eto at nahihirapan na naman sila dahil sa pagtaas ng diesel at gasoline. Kaya ang hiling nila sa Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB), aprubahan ang P3 fare hike nila.

Pero sabi ng LTFRB, sa halip na itaas ang pasahe, bibigyan na lang ng cash subsidy ang mga drayber ng jeepney. Sa pamamagitan daw ng cash subsidy ay may magagamit na ang mga apektadong drayber sa kanilang pang-araw-araw.

Pumayag naman ang ilang jeepney group sa planong pagbibigay ng cash subsidy. Sabi ni Obet Martin, president ng Pasang Masda, maganda ang offer ng pamahalaan na magbibigay ng cash subsidy. Pero bago raw nila iatras ang petisyon sa P3 fare hike, kailangang maibigay muna sa kanilang mga miyembro ang cash subsidy. Hangga’t wala raw ang subsidy, mananatili ang kanilang petisyon sa LTFRB.

Ibigay na ang subsidy sa mga apektadong jeepney drivers. Hindi sana ito pangako na mapapako. ­Kailangan ng mga jeepney drivers ang ayuda dahil sa walang tigil na pagtaas ng petroleum products.

Kung hindi naman maibibigay ang subsidy, dapat nang suspendihin ang excise tax sa petroleum ­products. Magtutuloy-tuloy pa umano ang oil price hike. Sa kasalukuyan, mahigit nang $80 ang bawat bariles ng langis.

Nakasaad sa TRAIN Law, kapag ang presyo ng crude oil ay umabot na $80 per barrel, awtomatikong sususpendihin ang excise tax. Ginawa na ito noong Oktubre 2018 kung saan sinuspende ni President Duterte ang excise tax.

Dapat namang kumilos ang DOE sa ­nangyayaring linggu-linggong oil price hike. Masyado na bang ­nasakop ng pulitika ang oras ng DOE chief?

JEEPNEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with