^

Punto Mo

Super spreader ng virus ng dibisyon

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

UMAABOT sa 97 kandidato ang tatakbo sa pagka-Presidente sa eleksyon sa isang taon na nagmula sa iba’t ibang partido, bukod pa sa mga independiente. Mas marami noong 2016 dahil 130 ang naghain ng kandidatura noon sa pagka-Presidente. Para naman sa Senado, 176 ang maglalaban-laban sa labindalawang pwesto.

Limang kandidato sa pagka-Presidente ang sinasabing may malaking tsansa na mahahalal, samantalang ‘yong iba’y maaaring idiklara ng Comelec na mga nuisance candidates. Kapag naging malapitan ang laban, ang mananalo’y isang kandidatong hindi ibinoto ng majority ng mga botante.

Ito ang isang problema sa bansang may multi-party system na katulad natin kung saan ang nananalo sa eleksyon ay maaaring magmula sa hiwa-hiwalay na partido politikal. Sa isang bansang may two-party system na katulad ng US, ang nananalo sa eleksyon ay mula lamang sa dalawang partido, Democratic o Republican. Mahirap manalo ang nagmula sa ikatlong partido. Sa two-party system ay malinaw ang plataporma at pagkakaiba ng dalawang partido. Halimbawa, ang Democratic Party ay center-left at may pagkaliberal; samantalang ang Republican ay center-right at may pagkakonserbatibo.

Dito sa atin, walang malinaw na magkakaibang plataporma ang iba’t ibang partido. Kapag may eleksyon, dalawang bagay ang karaniwang nangyayari. Una, nagkakaroon ng coalition ang iba’t ibang partido para makasiguro ng panalo. Ikalawa, naglilipatan ng mga partido ang mga kandidato. 

Lalong nagiging matindi ang ganitong lipatan matapos na mahalal ang Presidente. Karaniwan, marami ang sumasapi sa partidong kinaaaniban ng nahalal na Presidente dahil sa tinatawag na political expediency — mas makikinabang sila kung kapartido nila ang Presidente. Kapag may eleksyon, buhay na buhay ang kasabihang, “There are no permanent friends, nor permanent enemies, only permanent interests.”

Ang dapat sanang permanente ay ang interest ng bayan.  Pero iba ang nangyayari.  Sa tuwing eleksyon, dumarami ang political butterflies, mga pulitikong parang paru-paro na ang laging hinahanap ay mga bulaklak na masisimsiman ng nektar.

Panahon na para tayo’y bumalik sa two-party system na naging karanasan natin noong 1940s hanggang 1970s. Sa ganitong sistema, dalawa lamang ang maglalaban sa pagka-Presidente at pagka-Bise Presidente.  Sa gayon, hindi tayo mahihirapan sa pagpili, sapagkat ang ipanlalaban ng dalawang partido ay ‘yong talagang piling-pili. At ang mananalo ay siguradong inihalal ng mas nakararaming Pilipino, kung kaya’t mayroon siyang malinaw na mandato mula sa mga mamamayan.

Napakainam din na kung ang pagboto natin sa Presidente ay pagboto rin natin sa Bise na katulad ng sistema sa US.  Ibig sabihin, kapag ibinoto mo ang Presidente, kasama mong ibinoboto ang Bise Presidente na ka-tiket niya sa partido. Sa ganitong paraan, siguradong magtutulungan ang Presidente at ang Bise. Hindi katulad ngayon, sapagkat nagmula sa magkaibang partido, sa halip na maging magkakampi, naging matinding magkalaban ang dalawa.

Isa tayong bansang sobra ang pagkakahati-hati. Ang pagkakaroon ng napakaraming partido politikal ay isa sa mga dahilan ng pagkakabahagi-bahaging ito. Kung gagamit tayo ng salitang pang-covid, ang sangkatutak na political parties ay mga super spreaders — tagapagpalaganap ng virus ng dibisyon.

Ayon sa Mangangaral 3:3, may panahon ng paggiba at panahon ng pagtatayo. Panahon na para gibain ang mga sistemang naghahati-hati sa atin at magtayo ng mga sistemang magbubuklud-buklod sa atin.  Kung hindi tayo magkakaisa, pupulutin tayo sa kangkungan ng kahihiyaan at pagdurusa.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with