^

Punto Mo

Kasanayang ­makukuha sa YouTube

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

SA panahon ngayon, kabilang ang YouTube sa mga social media platform na nagagamit sa maraming larangan tulad ng edukasyon, kultura, medisina, negosyo, pananaliksik, pulitilka at iba pa. Hindi na siya basta panglibangan o pampalipas-oras lamang. Bilyun-bilyong tao sa buong mundo ang gumagamit nito, nanonood o nagbabahagi ng mga video o pelikula o mga palabas sa telebisyon at mga balita at nakikinig ng mga kanta sa nagdaang 16 na taon.

Pinagkakakitaan na rin ito nang maraming indibidwal kaya hindi lang ang kumpanya ng YouTube ang kumikita rito. Nauso ang tinatawag na vlogging at may mga vlogger na kumikita rin ng pera rito.

Marami ring bagay-bagay na maaaring matutunan at mapakinabangan  sa YouTube. Makakakita rito ng mga advice, tutorial, lessons at iba pa. Ibig sabihin, marami kang matututunan na mga kasanayan kahit nasa bahay ka lang at nakaharap sa computer o smartphone o tablet habang nanonood at nakikinig sa YouTube. Mga kasanayang maaaring mapagkakitaan at mapakina­bangan sa hinaharap ng sino man lalo ngayong panahon ng pandemya na marami ang nawalan ng trabaho. At libre pa ang mga kasanayang ito.

Halimbawa rito, ayon na rin kay David Nield sa Popular Science, ang culinary skills. Makakapanood sa YouTube ng mga pamamaraan sa pagluluto ng iba’t ibang pagkain. Naglipana sa website nito ang mga video na nagtuturo sa pagluluto ng mga masasarap na pagkain.

Meron ding mga video sa YouTube na nagtuturo ng paggawa at pagkumpuni ng computer.  Matutunan dito kung paano tumatrabaho ang computer o laptop. Makakatipid ka pa sa pera dahil ikaw na ang bibili ng mga kailangan mong mga piyesa at ikaw na ang magkakabit nito, bubuo at gagawa sa computer. May mga YouTuber din na nagbibigay ng  mga gabay, detalye at iba pa hinggil sa paggawa ng computer. Isang kagandahan nito na makikita ang aktuwal na paggawa ng computer.

Marami na ring mga YouTuber na nag-a-upload dito ng mga video na nagtuturo sa pagpapatugtog ng piano, gitara at ibang musical instrument. Hindi madaling magsimula at maging eksperto pero, sa pagtitiyaga at pagdaan ng panahon, makakapulot ka ng mga basic at huhusay ang iyong kasanayan sa paggitara o pagpi-piano.

Sa bahay, sira ba ang iyong washing machine o bentilador o electrical outlet o door knob o gripo? Makakakita na rin sa YouTube ng mga video na nagtuturo at gumagabay sa paggawa ng mga sirang gamit sa bahay. Magsaliksik lang mabuti at maging matiyaga hanggang makita ang kailangang video.

Nakakatulong din ang YouTube para matuto ng mga self-defense moves na magagamit sa mga sandaling merong mananakit sa iyo o dudukot sa iyong pera o ari-arian o manganganib ang buhay mo.  Pero kailangang ipraktis ang mga itinuturo rito para maging martial arts expert. Hindi maaaring basta na lang panonoorin ang video.

Ilan pa sa mga kasanayang maaaring matutunan sa YouTube ang painting, pagsasalita ng ibang wika, pagkuha ng litrato, drawing, at iba pa.  Itipa lang sa search engine ng YouTube para makita ang kasanayang nais matutunan.

Email: [email protected]

vuukle comment

YOUTUBE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with