^

Punto Mo

Ang ika-13 babae sa kanyang buhay (73)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“Tanging si Irene ba sa lahat ng mga babaing na-link sa’yo ang hindi mo nakaulayaw, Manedyer?’’ tanong ni Bino habang kumakain sila ni Reagan.

“Talagang walang nangyari sa amin, Bino. Kaya nga hindi ko rin siya malilimutan.’’

“Hind mo malimutan dahil walang nangyari, Manedyer?’’

“Ganun nga, ha-ha-ha!’’

“Kakaiba nga ang nangyari ano Manedyer? Akalain mo tinulungan mo si Irene sa airport at pagkatapos ay hinanap mo nang hinanap sa ospital pero hindi mo makita. Pagkatapos ay nang makita mo, may-asawa na pala! Parang nawalan ng saysay ang pagkikilala n’yo.’’

“Oo nga, Bino. Hindi ko nga nahawakan ang dulo ng daliri ni Irene, ha-ha-ha!’’

“Sana nu’ng una ay tinanong­ mo kung single pa, Manedyer?’’

“Hindi ko kasi maiisip yun, dahil ang nasa isip ko ng mga sandaling iyon ay kung paano siya matutulungan.’’

“Sabagay nga, Manedyer.’’

“Pero alam mo Bino, nung hanapin ko siya sa ospital wala akong ibang interes kay Irene. Ang pakay ko talaga ay alamin ang kalagayan niya. Kasi nga nasabi niya na baguhan lang siya sa Riyadh. Kapag ganun kasi ang sitwasyon ay gusto kong malaman kung ano na ang nangyari sa kanya.’’

“Wala ‘yung sinasabing pag­nanasa, Manedyer?’’

“Korek ka diyan, Bino.’’

“Talagang malinis ang pakay mo kaya siya hinanap sa ospital, Manedyer.’’

“Oo. At isa pa, palagay ko malayo ang agwat ng edad namin. Kasi tinawag niya akong kuya.’’

“Hindi talaga kayo para sa isa’t isa, Manedyer.’’

“Oo nga, ha-ha-ha!’’

“E sino ang sumunod kay Irene, Manedyer?’’

“Kumain muna tayo, Bino, he-he-he!’’

(Itutuloy)

BABAE

BUHAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user