^

Punto Mo

Ingat sa smishing

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

NAPAULAT kamakailan na pinag-iingat ng National Privacy Commission ang publiko sa isang panloloko sa cell phone na tinatawag na smishing. Ito ‘yung mga hindi awtorisadong paggamit ng contact tracing details para sa pagsasagawa ng phishing sa pamamagitan ng text messages. Hinihikayat ng NPC ang publiko na i-“block” at ireport bilang spam ang mga hindi kilalang contact number na humihiling sa mga user na iklik ang mga link o magpadala ng sensitibong mga personal na detalye.

Sinasabing ang smishing ay isang klase ng phishing. Ang phishing naman ay isang uri ng social engineering attack na madalas gamitin para sa pagnanakaw ng user data tulad ng login credential, credit card number o social security number. Pinagsama sa terminong “smishing” ang SMS (Short Message Service o texting) at phishing.

Ayon sa NortonLifeLock, tinatawag na smishing ang isang panloloko sa isang tao para magbigay ito ng kanyang mga pribadong impormasyon sa pamamagitan ng text o sms message.  Nagiging lumalaking banta umano ang smishing sa mundo ng online security.

Tulad ng naunang nabanggit, ang smishing ay isang uri ng phishing na gumagamit ng text message at phone number. Nakakatakot ito dahil maraming tao ang mas nagtitiwala sa isang text message kaysa sa email.

 

vuukle comment

NATIONAL PRIVACY COMMISSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with