^

Punto Mo

Ang ika-13 babae sa kanyang buhay (71)

Ronnie M. Halos - Pang-masa


“ILANG beses pa akong bumalik sa King Saud Hospital para hanapin si Irene pero talagang walang makapagsabi kung nasaan siya. Napuntahan ko na lahat ang mga nurses station at mga ward, pero walang makapagsabi kung nasaan si Irene. Talagang lahat ng mga Pinoy nurse na nakakasalubong ko sa ospital ay tinatanong ko kung may kilala silang Irene pero wala raw silang kilala. Sabi ko sa mga kausap ko, baguhan lang si Irene. Na-meet ko sa airport at nagpatulong dahil hindi dumarating ang sundo. Tinulungan kong tumawag sa phone dahil hindi marunong tumawag. Nakontak naman namin ang ­employer at sinabing ­para­ting na ang sundo. Nakita ko ­naman nang sumakay siya sa coaster na sumundo. Pero ang ipinagtataka ko ay bakit wala siya sa ospital.

“Sabi ng nakausap kong Pinoy nurse ay baka hindi sa sinabing ospital nagtatrabaho. Baka nagkamali ng sinabi.

“Sabi naman ng isa ay baka nagsisinungaling ang babae at hindi naman talaga nurse. Marami raw mga nanloloko. Sabi ko naman ay bakit niya ako lolokohin e tinulungan ko na nga siya.

“Pinayuhan ako ng isang Pinoy nurse na mag-try hanapin sa ibang ospital at baka doon nagtatrabaho. Sabi ko’y gagawin ko. Nagpasalamat ako sa mga napagtanungan ko. Umuwi na ako na laglag ang balikat.’’

‘‘Anong nangyari Manedyer? Hinanap mo ba si Irene sa ibang ospital?’’

“Hindi na. Napapagod na ako eh. Hinayaan ko na. Kaya ko lang naman siya hinahanap e dahil gusto kong malaman ang ­kalagayan niya. Kasi nga baguhan siya.’’

“Hindi mo na talaga hinanap, Manedyer?’’

“Hindi na.’’

“E di hindi na kayo nagkita pa, Manedyer?’’

“Nagkita kami.’’

“Talaga? Saan kayo nagkita Manedyer?’’

“Sa Batha. Nasa isang grocery ako nang mapagmasdan ang isang babae. Hindi ako maaaring magkamali. Si Irene!’’

(Itutuloy)

LIFE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with