_pang-masa
^

Punto Mo

EDITORYAL - Pagbibitiw ng HCWs, mga ospital, mapaparalisa

Pang-masa
EDITORYAL - Pagbibitiw ng HCWs, mga ospital, mapaparalisa

PATULOY ang exodus ng healthcare workers (HCWs). Ramdam na ang pag-alis ng mga doktor, nurses, medical technologists, x-ray technicians at iba pa. Marami na ang nagbitiw at nag-aplay ng trabaho sa ibang bansa kung saan ay mas malaki ang suweldo. Kapag nagpatuloy ang pagbibitiw ng HCWs, hinuhulaang sa loob ng anim na buwan ay mapapa­ralisa ang mga ospital sa buong bansa. Sa Philippine General Hospital (PGH) may mga volunteer doctors nang nagsipagbitiw. Sa isang ospital sa Batangas, dati ay 300 ang nurses pero ngayon ay 100 na lang.

Noong Setyembre pa nagbanta ang HCWs na magsasagawa sila ng mass resignation kapag hindi pa ibinigay ng pamahalaan ang ipinangakong benepisyo na kinabibilangan ng special risk allowance (SRA) ganundin ang kanilang food and transportation allowance. Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin umano natatanggap ng HCWs ang kanilang allowances at mga benepisyo. 

Sinabi ni Dr. Jose Rene de Grano, presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI) na kung hindi mapipigilan ang pagbibitiw ng HCWs, mapaparalisa ang mga ospital. Nagbitiw umano ang mga HCWs at nag-aplay sa abroad para kumita nang malaki. Ang kawalan umano ng HCWs ang dahilan kaya nahihirapan ang mga ospital na tumugon sa mga pasyente. Ayon pa sa report, may mga ospital na nagdedeklarang “full capacity” na sila pero ang totoo, meron pa silang paglalagyan ng pasyente kaya lang wala silang mga nurses at iba pang HCWs na titingin sa mga pasyente.

Umaabot sa P11 bilyon ang hindi nababayarang benepisyo at SRA ng HCWs. Sa 1.8 milyong HCWs, maliit na porsiyento pa lamang umano ang nabibigyan ng benepisyo at allowances. Ito ang dahilan kaya marami ang nagbibitiw at nag-aaplay sa abroad.

Marami sa mga nurses sa pribadong ospital ang maliit ang suweldo. Ayon sa report, may mga nurses na sumasahod lamang ng P8,000 at sobra-sobra pa sa oras ang kanilang trabaho.

Mapaparalisa ang mga ospital kung hindi mapipi­gilan ang pag-alis ng HCWs. Dapat gumawa ng hakbang ang Department of Health (DOH). Isang paraan ay ipagkaloob ang mga benepisyong ipinangako sa HCWs. Buhusan ng biyaya ang mga bayaning HCWs.

HEALTH WORKER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with