^

Punto Mo

Iboto ang kuwalipikado

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

KAHAPON ang huling araw ng paghahain ng certificates of candidacy para sa mahigit na 18,000 elective positions sa gobyerno na paglalaban-labanan ng mga kandidato sa May 9, 2022 national and local elections. Sila ang iboboto ng mahigit sa 61 milyong rehistradong botante na ang bilang ay madaragdagan pa dahil sa pagpapalawig sa pagpaparehistro.

Napakaraming posisyon nito, mula sa presidente hanggang sa konsehal ng siyudad o bayan.  Bawat posisyong ito’y may natatanging katungkulan at responsibilidad. Napakahalagang matiyak ng bawat botante kung ang mga kuwalipikasyon ng iboboto niyang kandidato ay akma sa tinatakbuhan nitong posisyon.

Kung mag-aapply ka ng trabaho sa isang ahensiya ng gobyerno, kailangang tiyakin mo na kuwalipikado ka sa trabahong iyong inaaplayan, sapagkat kung hindi ay malabong matanggap ka. Sa eleksiyon, ang kandidato ay nag-aaplay ng trabaho, at ang mga botante ang magpapasya kung tatanggapin siya o hindi. Dito nagsisimula ang problema natin. Maraming botante ang hindi nalalaman kung ano ang talagang katungkulan at responsibilidad ng kanyang ibinoboto.

Pag-usapan na lamang natin ang pinakamababang posisyon sa darating na eleksiyon, ang konsehal ng siyudad o bayan. Siya’y miyembro ng konseho, kasama ng iba pang konsehal at ng mayor at vice mayor. Ang buong konseho ang bumabalangkas ng development plan ng komunidad at umaakda ng mga patakaran at regulasyon para rito. Dahil sa karanasan natin sa COVID-19 pandemic, napagtanto natin ang kahalagahan ng mahusay na pamamahala ng mga local government units.

Pero sa totoo lang, ganito ang karaniwang sinasabi ng botante, “iboboto ko si ganoon o si ganito bilang konsehal kasi madali siyang hingan.” May kapatid akong konsehal ng bayan, ayon sa kanya, ultimong reseta ng gamot ay hinihingi sa konsehal.  Kaya’t sa marami, ang magaling na konsehal ay ‘yung malaking magbigay kapag hiningan. Ito rin ang karaniwang hinahanap sa mga tumatakbo sa iba pang posisyon.

Bukod sa kakayahan, importante rin na ang ang isang kandidato ay may mabuting pagkatao at may mataas na katalagahan o commitment. Kung makaya nga pero tiwali naman, mananatili tayong bagsak. Kung may kakayahan nga at mabuti ang pagkatao, pero wala namang katalagahan sa kanyang tungkulin, wala ring mangyayari.

Iboto ang kandidato sa pagkapresidente na kwalipikadong mamuno ng bansa at hindi lamang dahil kababayan mo. Iboto ang kandidato sa pagkasenador na kwalipikado sa paggawa ng batas at hindi lamang dahil mataas sa survey.  Iboto ang mayor na kuwalipikado sa pamumuno sa siyudad o bayan at hindi lamang dahil ilang beses mo na siyang nahingan.

Kapag nagsimula na ang kampanya, maging mapanuri sa ipinapangako at inaasal ng kandidato. Maaari ba talagang maisakatuparan ang kanyang mga pangako sa panahon ng kanyang termino? Baka sabihin pa sa iyo, istupido ka kung pinaniwalaan mo ang mga iyon. Mayroon ba siyang paggalang sa mga tao, lalo na sa mga kababaihan? Clean ba ang kanyang mga jokes o may pagkabastos?

Sa araw ng eleksyon sa May 9, ikaw ang magpapasya kung tatanggapin o hindi ang kandidatong nag-a-apply sa iba’t ibang posisyon.  Masasalalay sa iyong pagpapasya ang magiging kinabukasan ng Pilipinas. Kung magiging matalino ka at isasaalang-alang mo ang kapakanan ng buong bansa, makakaahon tayo. Pero kung hindi, mananatili tayong nakabaon sa putik ng kahirapan at kaguluhan.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with