^

Punto Mo

Driver sa Texas,tiniketan dahil sa pasaherong kalansay

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

TINIKETAN ang isang driver sa Texas matapos mabistong kalansay ang katabi niyang pasahero.

Binabagtas ng driver ang carpool lane sa Harris County, Texas kung saan maari lamang dumaan ang mga sasakyang may isa o higit pang pasahero bukod sa driver.

Bistado ang modus ng driver nang maispatan ng mga pulis ang kahina-hinala niyang pasahero na nakanganga at nakasuot pa ng sombrero.

Tinangka pang magpalusot ng driver, na nagsabing hindi raw niya napansing nasa carpool lane siya. Mahilig lang din daw siya sa Halloween kaya siya may kasamang kalansay sa sasakyan, dagdag pa nito.

Sa huli, tiniketan ang driver at sinermunan ng mga humuling pulis bago siya hinayaang umalis.

TEXAS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with