_pang-masa
^

Punto Mo

Ang tubig na tumalsik sa mukha ng babae

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SA isdaan section sa isang supermarket. Lumapit ako sa tila malaking aquarium na pinaglalagyan ng mga naglalangu­yang hito. Mag-oorder sana ako ng hito pero may nauna na sa akin na umorder ng hito. Lumapit ang lalaking store assistant sa aquarium para humuli ng hito na inoorder ng naunang kostumer na babae.

Sa paghuli ng hito sa aquarium, hindi maiiwasang magtalsikan ang tubig na tumama sa kostumer. Nainis ang babae at pinagalitan ang store assistant.

Sabi nito, “Ay, ano ba! Natatalsikan ng malansang tubig ang mukha ko.”

“Sorry po” paumanhin ng store assistant. “Pakilayo na lang po para hindi kayo matalsikan.”

“Kasalanan ko pa ngayon! Dapat ayusin mo ang paghuli sa hito. Careless ka kasi! Huh, ang lansa tuloy ng mukha ko.” Nagsasalita ito habang pinupunasan ng tissue ang mukha nito.

Palibhasa ay malapit din ako, katabi lang ng nagrereklamong babae kaya alam kong hindi naman gaanong marami ang tubig na tumalsik para makasira ng kutis. Napatitig ako nang pasimple sa mukha ng babae. Kahit pinatungan ito ng foundation, may nahalata pa rin ako. Napakasalbahe ng mga bukbok na nanirahan sa mukha nito dahil napakalalalim ng ginawa nilang mga lungga. Wala pang pandemya at hindi pa uso ang paggamit ng face mask nang mangyari ito kaya nasulyapan kong mabuti ang mukha ng babae.

Marami pang sinabi ang babae. Nakita ko ang lungkot sa mukha ng store assistant. Maliit na nga ang suweldo, nakakaranas pa sila ng ganoong trato mula sa masasamang ugaling kostumer. Iyan talaga ang patunay na life is not fair.

Pagkaalis ng babae ay saka ako nag-order ng hito. Hinintay ko nang malinisan ito. Pagkaabot sa akin ay nag-thank you ako nang nakangiti. Gusto kong madama ng store assistant na may nag-a-appreciate pa rin sa ginagawa niya. Salamat at napangiti ko rin ito sabay sabing, “You’re welcome po.”

Hindi mawala sa isip ko ang inugali ng babae sa kawawang empleyado ng supermarket. Hindi siya ang direktang nagpapasuweldo sa lalaking nag-assist sa kanya sa isdaan section pero napakasungit nito, anong level pa kaya ng kasamaang ugali ang matatanggap ng mga taong direkta niyang pinapasuweldo?

SUPERMARKET
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with