^

Punto Mo

Vaccine hesitancy sinisisi sa pagdami ng COVID variants

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

ISA sa lalong nagpapatagal sa pandemya ay ang pagsulpot ng iba’t ibang variants ng COVID-19. Para sa ilang eksperto, habang umiiral ang vaccine hesitancy o pag-uurung-sulong sa pagpapabakuna, lalong dumarami ang oras ng virus para mag-mutate at magkaroon ng variants tulad ng Delta, Alpha, Gamma, Lambda at Mu.

“Habang tumatagal ang paghihintay natin na mabakunahan, binibigyan natin ng marami pang oras ang virus para mag-mutate,” sabi ni Dr. Gianne Eduard Ulanday, virologist ng University of the Philippines, nang magsalita sa vaccine and vaccination webinar ng Department of Science and Technology.

Sa naturang webinar din, ipinaliwanag naman ng vaccinologist na si Dr. Melvin Sanicas, miyembro ng The Royal Society of Tropical Medicine and Hygiene  na ang vaccine hesitancy ay ang pagkakaantala ng pagtanggap sa bakuna kahit meron nang mga doses. Pinuna niya na marami pang bansa tulad sa Pilipinas ang walang nakalaang bakuna para sa lahat na gustong magpabakuna.

Idinagdag ni Ulanday na ang pinakamahalagang bagay sa bakuna ay oras, hindi lang sa brand, at walang bakuna na epektibo nang 100 porsiyento hindi lang laban sa COVID kundi pati na sa ibang mga sakit.  Lagi anyang may isang porsiyento ang tsansang hindi ito epektibo.

Ayon naman kay Dr. John Mark Velasco, physician-scientist ng Institute of Molecular Biology and Biotechnology, dapat magpokus sa kung anong bakuna meron tayo. Hindi aniya dapat pagkumparahin ang mga brand kung ano ang mas pinakamaganda o nagbibigay ng mas matagal na proteksyon. “Dahil lahat ng brand ng mga bakuna ay merong full protection laban sa severe infection at iyon ang ating tinatangkang pigilin – ang severe infection,” paliwanag niya.

Sinabi pa ni Sanicas na, sa kanyang tingin, “nakakalimutan natin na meron na tayong mga kagamitan para matigil ito.” Inihalimbawa niya ang face mask na sinimulang gamitin mula noong Marso ng nakaraang taon at nagsimula ang bakuna noon pang Enero ng taong kasalukuyan at batid ng mga tao ang iba pang bagay tulad ng paghuhugas ng kamay, physical distancing, pagbubukas ng mga bintana pero pinuna niya na hindi ito lubhang nasusunod. Inihalimbawa niya ang maling pagsusuot ng face mask.

“Nasa ilalim ng ilong o baba, or yung mga masks na may valves na hindi dapat ginagamit, at laging tinatanong ng mga tao kung kailan magwawakas ang pandemya. Pero ang kasagutan ay nasa ating mga sarili.  Kung sama-sama tayong nagsisikap na, maaaring para sa apat na linggo, lahat tayo, masinsinan nating gawin ang dapat nating gawin, at magpabakuna, makakawala ka rin sa pandemyang ito,” dagdag niya.

Naunang napaulat na umaabot pa lang sa mahigit 15  milyong Pilipino ang kumpleto nang nabakunahan habang mahigit 20.8 milyon ang nakatanggap ng partial protection o nababakunahan pa lang ng first dose mula noong Marso ng taong ito batay sa datos na nakuha ngayong Setyembre. Ang nasabing bilang ay katumbas ng 19.49% na target sa 70% eligible na mga indibidwal para maabot ang herd immunity laban sa COVID sa katapusan ng taon.

Email: [email protected]

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with