_pang-masa
^

Punto Mo

Karampatang parusa!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kung ang pamilya ng mag-inang sina Sonya at Frank Anthony Gregorio na binaril ng dating pulis na si  Jonel Nuezca  ay labis ang kasiyahan sa natamong maagang hustisya, iba  naman ang nadarama ngayon ng  pamilya ng 18-anyos  na si Erwin Arnigo na may autism spectrum disorder na binaril din ng isang parak matapos ang isinagawang raid sa isang tupadahan sa Caloocan City kamakailan.

Hindi pa sa korte ang desisyon na kanilang ikinadidismaya, kundi  ang lumabas na desisyon  na inirekomenda ng Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police (PNP).

Hindi umano nakakasapat ang naging desisyon  laban sa sangkot na pulis.

Pinapatawan kasi  ng  IAS   ng parusang 40 araw ng suspensyon ang Senior Master Sergeant Christopher Salcedo, isa sa apat na pulis na sinasabing sangkot sa pagbaril at pagkapatay kay Erwin.

Sa bersyon ng pulis, nakipag-agawan umano ng baril ang biktima nang maganap ang pangyayari na iba naman sa bersyon ng ilang testigo at ng pamily a Arnigo.

Dapat daw  ay  60 -araw ang parusang suspension   kay Salcedo, pero ibinaba ito sa 40 -araw dahil binigyang timbang ang nakuhang mga parangal ng parak.

Ayon sa pamilya ng nasawi, hindi dapat ganun dahil dapat din daw  nabigyang pansin   na isang special child ang biktima na walang kalaban-laban.

Hindi rin tanggap ni Helen, ina ng biktima  sa pahayag ng IAS na ang pagkakamali lang ni Salcedo ay hindi ito naging maingat sa paghawak ng kanyang baril habang sinusubukang arestuhin ang biktima.

Nanawagan ang pamilya Arnigo kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na masilip ang desisyon ditto ng IAS. 

Aantabay tayo sa magiging development ng kaso, at sa ilalatag pang mga argumento ng magkabilang panig .

JUSTICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with