^

Punto Mo

Mas higante ang ating kakampi

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

SA pananaw mo ba’y mahirap ang iyong pamilya? Kung ang sagot mo sa tanong na ito’y oo,  kasama ka sa napakara-ming pamilyang Pilipino na naniniwalang sila’y mahirap. Ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), 48 porsyento ng pamilyang Pilipino ay naniniwalang sila’y mahirap. Ang tawag dito’y “self-rated poverty,” kung saan ang basehan ay ayon sa pananaw ng tinatanong.

Kung ang basehan ng kahirapan ay ang resulta ng Family Income and Expenditure Survey, ang poverty threshold ay P10,481 na kinikita kada buwan. Ibig sabihin, mahirap ang isang pamilya kung mas mababa kaysa halagang ito ang kinikita sa bawat buwan. Sa “self-rated poverty” ay walang binabanggit na halaga, sapagkat ang basehan nga ay ang pananaw ng tinatanong. Tiyak na mas malaki ang bilang ng mga naniniwalang sila’y mahirap kaysa bilang ng mga totoong mahirap. Posibleng ang isang hindi naman totoong mahirap ay maniwalang siya’y mahirap, sapagkat ito ang kanyang pananaw.

Kapag sa pananaw mo’y mahirap ka, may epekto ito sa pagtingin mo sa gobyerno. Maaaring ang mangibabaw sa iyo ay pagkagalit sa gobyerno, sa halip na pagkatuwa. Kaya mahalaga rin sa gobyerno ang magandang resulta ng “self-rated poverty” survey. Dapat ikabahala ng gobyerno na halos kalahati ng pamilyang Pilipino ay naniniwalang sila’y mahirap.

Sa psychology, napakahalaga ng pananaw o worldview. Ito ang pinagsama-samang asal, ugali, pinahahalagahan, kuwento at inaasahan ng isang tao sa mundong kanyang ginagalawan. Kung ano ang kulay ng lente na suot ng tao ay iyon ang kulay ng mundo sa kanyang pananaw. Kung ang suot niyang lente ay pula, ang kulay ng mundo sa kanya ay pula. Ang pananaw ang humuhubog sa iniisip at ginagawa ng tao. May tinatawag na “self-fulfilling prophesy.” Kung ano ang iniisip mo tungkol sa iyo ay magkakaganoon ka nga. Kung iniisip mong mahina ka, magiging mahina ka nga.

Sa Bibliya, si Moises ay nagpadala ng 12 spies sa Canaan o Lupang Pangako upang alamin kung makakaya nila itong sakupin. Sampung spies ang nagsabi na sa pananaw nila’y mga higante ang naninirahan doon at sila’y mga tipaklong lamang, kaya’t kayang-kaya silang lamunin ng mga ito. Sa kabilang dako, dalawang spies, sina Caleb at Joshua, ang nagsabing kayang-kaya nilang talunin ang mga tagaroon, sapagkat kakampi nila ang Diyos. Sa henerasyong ito’y sina Caleb at Joshua lamang ang nakatungtong sa Lupang Pangako. Pare-pareho sila ng nakita, ngunit iba ang pananaw nina Caleb at Joshua na nagdala sa kanila sa pagtatagumpay.

Napakahalaga ng ating sariling pananaw tungkol sa COVID-19.  May basehan na makita natin ito na isang higanteng pandemya, sapagkat halos 200 milyong tao sa buong mundo ang tinamaan nito at mahigit sa 4.2 milyon na ang namamatay. Gayunman, ang higit na kritikal ay ang pananaw natin sa ating sarili. Tayo ba’y unano sa harap ng higanteng virus? Bilang mahirap na bansa, may panalo ba tayo sa labanang ito?

Tulad nina Caleb at Joshua, tanawin natin ang pandemyang ito sa pamamagitan ng mga mata ng pananampalataya. Tatalunin natin ang COVID-19.  Higante ang ating kalaban, ngunit mas higante ang ating kakampi — ang Diyos!  Sabi sa Roma 8:31, “Kung ang Diyos ay kakampi natin, sino ang makalalaban sa atin?”     

vuukle comment

POVERTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with