^

Punto Mo

May pandemya na, may ‘fake news’ pa!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Matindi ang pagdagsa ng mga tao sa ilang vaccination sites sa Metro Manila kahapon.

Isang araw ito bago ang  ECQ na simula nga sa araw na ito.

Sa Maynila, nagkaroon pa nga ng kaunting kaguluhan, kung saan napilitang ihinto ang bakunahan dahil sa sangkaterbang katao na nagtungo dito.

Hindi na nga kinaya na maipatupad ang social distancing at ngayon nga ay pinangangambahang maging super spreader pa ng virus.

Imbes na kagalingan o panlaban sa COVID  ang matanggap, eh mukhang  disgrasya sa virus pa ang makuha ng mga pumila.

Hindi lang ito nangyari sa lungsod ng Maynila kundi maging sa ibang siyudad sa NCR .

Isinisi naman ng LGUs ang ganitong pangyayari sa mga kumalat umanong  ‘fake news’ na nagsabing hindi mabibigyan ng ayuda at hindi makakalabas ng bahay ang mga hindi bakunado.

Ito marahil ang dahilan kaya nga dumagsa ang mga nagtungo sa vaccination sites.

Kakaiba  kasi ang nangyaring ganitong karaming pagdagsa ng mga nais na magpabakuna, ilan pa nga ay hindi naman taga-Maynila kundi galing sa karatig na mga lugar.

Pinahahanting na rin ng MMDA sa NBI ang promotor ng pekeng balitang ito sa bakuna.

Matindi rin ang mga nagpapakalat ng ganitong balita na dapat talagang tugisin at parusahan.

Hirap na nga ang marami dahil sa pandemya, gumagawa pa ng kaguluhan.

Hindi na nakakatulong, nakakaperwisyo pa.

Dapat din naman na maging mapanuri para matimbang kung ano ang totoo o hindi.

‘Wag agad-agad maniwala lalu’t hindi naman sa awtorisadong kinauukulan ito nanggaling.

vuukle comment

FAKE NEWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with