^

Punto Mo

M/Sgt. Padua, wanted na! – Gen. Francisco

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

TAPOS na ang maliligayang araw ng tong kolektor na si M/Sgt. Raffy Padua. Itinuturing kasing wanted na sa ngayon si Padua dahil pinaghahanap na siya ni Manila Police District (MPD) director Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco. Inutusan kasi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar si Francisco na arestuhin si Padua at kasuhan para hindi na pamarisan pa.

Imbes kasi na magtrabaho bilang pulis, aba ang pinagkaabalahan ni Padua ay mangolekta ng tong sa mga ilegal sa Maynila habang nasa kasagsagan ang kampanya ni Eleazar laban sa tiwaling pulis. Kaya lang dapat sampolan ni Eleazar si Padua at idismis sa serbisyo para ang kagaya niyang mga tong kolektor na mga pulis ay magsitabi na. Mismooooo! Dipugaaaaaa!

Si Padua ay tong kolektor ng City Hall detachment noong mayor pa ng Maynila si Erap Estrada. Nang manalo si Mayor Francisco Domagoso, kinuha ang serbisyo ni Padua bilang tong kolektor din ng SMART, ang pumalit sa City Hall detachment. Hindi lang ‘yan! Naging kolektor din ni MPD director Brig. Gen. Rolly Miranda at nang ma-promote at malipat siya sa PRO6 ay bitbit niya si Padua.

Kaya lang, hindi naman nagrereport si Padua sa PRO6 kundi andito siya sa Maynila at naging kolektor pa ng SMART ni Lt. Col. Jun Ibay at ng MPD Stations 2, 3, 7, 11, at 14. Ang masakit pa, noong magdeklara ng no take policy si dating PNP chief ret. Gen. Debold Sinas, aba pati ang para sa Hari ay kinuha ni Padua. Sayang daw eh, di ba AWOL cop Sgt. Ballesteros Sir? Dipugaaaaaaa!

Missing in action na sa ngayon si Padua. Alam niya kasi na may kalalagyan siya kapag nasukol ng mga bataan ni Francisco. Ang warning ko lang kay Francisco ay huwag siyang bibitaw dahil maraming padrino si Padua. Sinabi naman ni kosang Angel Jose na hindi lang dapat si Padua ang parusahan kundi maging ang mga hepe ng SMART, at Stations 2, 3, 7, 11, at 14.

Kasi nga mas malaki ang kasalanan nila dahil sila ang nag-utos kay Padua. Hehehe! May punto si kosang Angel, o ikaw ba ‘yon kosang Fernan Marasigan Sir? Ang kasagutan ni Francisco ay ang kasunod na rigodon sa MPD. Dipugaaaaaa!

Kung sabagay, hindi lang si Francisco ang inutusan ni Eleazar para halungkatin ang record ni Padua. Maging si Col. Rogarth Campo, ng National Capital Region (NCR) ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay kumakalap din ng ebidensiya laban kay wanted cop. Hak hak hak! Bilang na talaga ang araw ni Padua sa PNP, ano mga kosa? Mismooooo! Dipugaaaaaa!

Habang nasa kainitan ng imbestigasyon laban kay Padua, dapat sigurong iutos ni Eleazar na idestino ito sa Cordillera o sa PRO1 para hindi s’ya makakalap ng padrino para alpasan ang sigalot na dumating sa buhay niya. Araguuyyyyy!

Kaya kayong mga pulis na tong kolektor diyan, magbago na kayo para na rin sa kinabukasan ng pamilya n’yo! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan mga kosa? Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with