^

Punto Mo

Ang ika-13 babae sa kanyang buhay (6)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGING masarap ang kuwentuhan nina Reagan at Bino habang umiinom nang masarap na tuba. Masarap ang pulutan na dala ni Bino – dinuguang may puso ng saging. Maanghang kaya naman nasarapan si Reagan.

Ipinakuwento uli ni Bino kay Reagan ang mga naging karanasan nito habang nagtatrabaho sa Saudi Arabia, kung saan, 12 tsiks ang na-karelasyon niya. Naikuwento na niya ito noon kay Bino pero pahapyaw lang.

Ngayon ay gustong malaman ni Bino ang kabuuan ng kuwento. Hindi kasi ito makapaniwala na nagkaroon ng 12 babae si Reagan.

“Talagang dose ang naging tsiks mo sa Saudi, Manedyer?’’

“Oo.’’

“Mga Pinay lahat yun?’’

“Oo naman. Mahirap may makarelasyon na foreigner dun.’’

“Bakit naman napakarami – dose – pero wala ka pa ring natipuhan sa kabila niyon. Pihikan ka rin siguro, Manedyer.’’

“Medyo. Kapag kasi may hindi ako nagustuhan sa tsik e nawawalan na ako ng gana. Katwiran ko nun ay marami pa namang babae kaya pipili ako nang pipili.’’

“Mga anong propesyon ng tsiks na nakarelasyon mo Manedyer?’’

“Iba-iba. May nurse, fitness instructress, teacher, stewar-dess, medtech at iba pa.’’

“DH meron kang nakare-lasyon?’’

“Ah wala.’’

‘‘Lahat sa Saudi mo nakilala?’’

‘‘Oo. Matagal kasi akong nagtrabaho roon – almost hirty years.’’

“Kaya naman pala ang dami mong karanasan.’’

“Inabot nga ako ng Gulf war dun. Naroon ako nang nagpapaulan ng Scud si Saddam sa Riyadh. Yung hou-sing namin e muntik nang tamaan. Naka-gas mask kaming lahat kasi nabalita na mayroon daw lason na gagamitin si Saddam. Yun pala para maging mabenta lang ang gas mask, ha-ha-ha!’’

“Talaga, Manedyer?’’

“Oo. ‘Yang giyera kasi magandang pagkakitaan. Kaya kapag walang giyera, walang kita ang Kano. Simple lang di ba?’’

“Oo nga ano, Maned-yer?’’’

“O tagay pa, Bino. Ang sarap pala ng tuba na bagong kuha sa puno.’’

“Bagong hukas, Manedyer.’’

“Bagong hukas, ano yun?’’

“’Yung bagong kuha sa karitan. Sa amin sa Pinamalayan, hukas ang tawag sa tuba na kakukuha lang.’’

‘‘Ah yun pala yun. Taga-Pinamalayan ka pala. Saan ang Pinamalayan, Bino?’’

‘‘Sa Mindoro, Manedyer.’’

‘‘Ah.’’

‘‘Balik tayo sa sa mga nakarelasyon mo sa Saudi, Manedyer ?’’

‘‘A sige. Talagang atat ka nang malaman, ha-ha-ha!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with