_pang-masa
^

Punto Mo

EDITORYAL - Siguruhing mga eligible ang makatatanggap ng ayuda

Pang-masa
EDITORYAL - Siguruhing mga eligible ang makatatanggap ng ayuda

NAKAHANDA na umano ang ayudang ipa­ma­mahagi sa mga maaapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila. Sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, tatanggap ang indibiduwal ng P1,000 samantalang P4,000 naman ang bawat pamilya. Ipagkakaloob umano ang ayuda kapag ipinatupad na ang lockdown bukas (Agosto 6). Ayon kay Roque, ang pondo ay kinuha sa savings ng lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan. Nasa P13.1 bilyon ang kabuuang pondo para sa mga maaapektuhan ng lockdown sa National Capital Region. Tinatayang 10.7 mil­yong residente ang aayudahan. Kara­mihan ay mga mawawalan ng trabaho sa dalawang linggong lockdown. Maraming establisimento ang magsa­sara kabilang ang mga barberya, restaurant, gym, salon, spa, hardware at marami pa.

Handa na ang pamamahagi ng ayuda, ayon sa Malacañang. Ang hindi malinaw ay kung paano ipamamahagi ang ayuda bukas. Gaya rin ba ng nakaraan na ipinadaan pa sa barangay at nagtiis sa mahabang pila ang mga residente? O sa payment o remittance center na lang kukubrahin ng benefeciaries.

Noong nakaraang taon na isinailalim sa ECQ ang Metro Manila at mga karatig lalawigan, nagkaroon ng kaguluhan sa pamamahagi sapagkat maraming barangay officials ang nangurakot. Kara­mihan sa mga nakatanggap ay mga kamag-anak at kasambahay ng barangay officials.

Kinukupitan ng mga korap na barangay offi­cials ang ayuda. Ang iba naman ay binabawasan. Maraming nakunan ng video na mga barangay officials na binabawasan ang ayuda at napanood pa mismo ni President Duterte.

Huwag nang idaan sa barangay ang ayuda at siguruhin din na mga eligible ang tatanggap nito. Magkaroon na ng aral sa nakaraang pamamahagi ng ayuda. Siguruhing tatanggap ang mga apektado­ ng ECQ.

 

FINANCIAL ASSISTANCE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with