_pang-masa
^

Punto Mo

Ang kakaibang babae sa kanyang buhay (5)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

DAKONG alas singko ng hapon, dumating si Bino na may dalang tuba na nasa tukil.

Nagulat si Reagan sapagkat hindi niya inaasahan na tutuparin ni Bino ang sinabi kanina na magdadala ng tuba para mayroon silang maiinom. Nabanggit kasi niya kay Bino na ayaw niya ng lambanog. Ilang beses na rin kasing nabalita na may mga namatay sa pag-inom ng lambanog.

“Eto na ang tuba, Manedyer. Bagong hukas ito. Manamis-namis. Magugustuhan mo.’’

“Aba masarap yan, Bino. Minsan na akong nakainom ng tuba pero matagal na.’’

“Eto ang masarap Manedyer. Nagdala na rin ako ng pulutan. Dinuguan na may puso ng saging. Maanghang. Niluto ni Kumander.’’

“Okey ka talaga Bino. Hindi ako nagkamali sa pagkuha sa iyo.’’

‘‘Gumaganti lamang ako sa mga kabutihan mo Manedyer.’’

‘‘Sige umpisahan na natin. Upakan na natin ang tuba,” sabi ni Reagan.

Nagsalin sa dalawang baso si Bino.

Tumagay na sila.

“Whooo, ang sarap ng tuba, Bino,’’ sabi ni Reagan matapos ubusin ang basa baso.

“Oo nga Manedyer.’’

Maya-maya pa, tumalab na ang tuba.

“Manedyer, ikuwento mo nga uli ang mga tsiks mo sa Saudi. Aliw na aliw ako sa mga excapades mo roon.’’

“Ang dami nun Bino, doseng babae!’’  (Itutuloy)

LIFE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with