^

Punto Mo

Panic buying at COVID-19 scare!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sa Biyernes na ipapatupad ang mas mahigpit na ECQ sa Metro Manila.

Pero kahit sabihin ng pamahalaan na hindi kailangang mag-panic buying, mukhang hindi ito ang nangyayari.

Masasabing ilang araw bago ang lockdown, eh talagang naghahanda na ang ating mga kababayan na mistulang nag-iimbak na ng kanilang pangangailangan bago ang lockdown.

Lalo pa nga’t may pahiwatig ang ilang opisyal ng pamahalaan na posibleng lumawig ang lockdown kung hindi bababa ang bilang ng tinatamaan ng COVID.

Kahapon mistulang inamin na rin ng DOH na ang mabilis na pagtaas ng kaso ng virus ay dahil nga sa mas mabagsik na Delta variant.

Ilang araw na sunud-sunod na nasa mahigit 8,000 ang tinatamaan ng COVID kada araw, mahigit  naman sa isang libo ang naitatalang kaso sa NCR.

Inaasahang lalo na bukas, araw ng Huwebes mas marami ang masusumpungan na nasa mga supermarket, groceries at palengke bago nga pairalin ang lockdown.

Bukod nga sa nakikita ring panic buying ng ating mga kababayan dahil sa lockdown, ramdam na rin ang COVID scare dahil na rin sa lumalaganap at tumataas na bilang ng kaso ng Delta variant.

Kung noon kasi, marami ang nagdadalawang-isip sa bakuna at ang bakuna ang naghihintay sa kanila, ngayon bakuna ang kinukulang dahil sa gustong maturukan.

Hinihintay na ng mga alkalde sa Metro Manila ang hiling nilang 4 milyon na vaccine na nais nilang gamitin ngayong ECQ.

Tuloy-tuloy ang pagbabakuna, marami ring LGUs ang naghahanda na sa 24/7 na vaccination, yung nga lang waiting pa ang karamihan sa bakuna.

Inaasahan naman na nasa   22.7 milyong bakuna ang darating ngayong Agosto na magpapalakas sa vaccination program ng pamahalaan.

Sana ay makatulong ang ECQ para mapigilan o mabawasan ang lalong paglaganap ng virus nang makausad na tayo sa normal na pamumuhay.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with