^

Punto Mo

PDEG at PDEA, hinahabol pa ang 700 kilos ng shabu!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

HALOS 20 porsiyento na supply ng droga sa Metro Manila at kalapit na lugar ang nabura matapos makumpiska ng ahensiya ng gobyerno ang aabot sa 218 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P1.4 bilyon sa magkahiwalay na operation sa Quezon City, Valenzuela City at Bulacan noong Sabado. Naaresto ang mga Chinese na sina Willie Lu Tan, alyas Chen Bien; Anton Wong, alyas Wang Zhong Chun at Wang Min; Chen Zhin; at Joseph Dy. Ang isa pang suspect na si Wu Zishen, 50, ay nanlaban kaya hayun sa sementeryo lumanding.

Kahit matagumpay itong kanilang operation, kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), lalong pag-iibayuhin ni PNP Drug Enforcement Group (PDEG) chief Brig. Gen. Remus Medina ang kanilang kampanya laban sa droga dahil naniniwala siya na marami pang supply ang mga drug syndicate na nakatago lang at ilalabas nila ito sa Ber months.

Kalimitan kasi ay tone-tonelada kung magparating ng droga ang drug syndicates at kung 218 kilos lang ang nakumpiska ng PDEG at PDEA, ang ibig sabihin nito ay may nakatago pang 700 kilos na kailangang madiskubre at makumpiska nila. Araguuyyyy! Dipugaaaaaaa!

Natuwa naman si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar at nagbunga nang maganda ang memorandum of agreement ng PDEA at PDEG dahil naiwasan ang misencounter at iba pang problema sa operations na nagdulot ng di pagkakaunawaan sa magkabilang grupo.

“This is a huge blow against the illegal drug trade dahil malaki ang posibilidad na ang sindikatong ito ang isa sa mga main suppliers ng iligal na droga dito sa Kamaynilaan at mga karatig probinsiya,” ani Eleazar. “Hinding-hindi titigil ang PNP at PDEA hangga’t hindi namin tuluyang napapatigil ang kanilang operasyon,” sabi pa ni Eleazar. Tiyak ‘yun! Dipugaaaaaa!

Ayon kay Medina, nagkaroon muna ng drug sting sa Magsaysay St., Bgy. San Bartolome sa Novaliches, Quezon City kung saan naaresto sina Tan, Wong at Min, kung saan nakumpiska ang 127 kilos ng shabu na nagkakahalagang P863.6 milyon. Sinundan ito ng isa pang buy-bust sa harap ng isang banko sa Gen. Luis St., Paso de Blas sa Valenzuela City kung saan naaresto si Dy na may dalang 16 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P108.8 milyon.

Nagkaroon din ng kasunod na buy-bust sa Bgy. Santol sa Balagtas, Bulacan kung saan napatay si Wu matapos manlaban sa mga ahente ng PDEG. Araguuyyyy! Nakuha nay Wu ang 75 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P510 milyon. Nakuha din sa posisyon ni Wu ang isang kalibre .45 pistol. Hak hak hak! CHR pasok!

Tulad ng iba pang kilo-kilo ng shabu na nakumpiska ng PDEG at PDEA, ang mga narekober na droga ay naka-tea pack at may Chinese character. Dipugaaaaaa! Nakapuslit na naman ang mga kontrabando na ito sa Bureau of Customs? Mismooooooo!

Nilinaw ni Medina na ang gamit nila sa tatlong operations ay ang asset ni PDEA Director General Wilkins Villanueva at ang PDEG ay support unit lamang. Kasama din ng PDEG ang mga ahente ni Villanueva sa mga kasunod na operations para makumpiska ang 700 kilos pa ng shabu. Dipugaaaaaa! Abangan!

 

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with