_pang-masa
^

Punto Mo

EDITORYAL - Bagsik ng Delta variant

Pang-masa
EDITORYAL - Bagsik ng Delta variant

AYON sa Octa Research Group, may “community transmission’’ na sa National Capital­ Region (NCR). Ayon kay Dr. Guido David, tumaas na ng 25 percent ang kaso sa NCR na dati ay 15 percent lang. Ayon kay David, 300 kaso ang nada­dagdag bawat araw at nagpapakita lamang ito na mayroon nang community transmission. At dahil sa ipinakikitang pagtaas, nararapat lamang umano na magdoble ingat. Kahit pa aniya sabihing wala pang community transmission, dapat i-assume na meron na at gumawa na ng kaukulang pag-iingat.

Ang babala ng OCTA ang nagsilbing gabay para isailalim ang NCR at mga kalapit na lala­wigan sa enhanced community quarantine (ECQ) na magsisimula sa Agosto 6 at matatapos sa Agosto 20. Ito ay para mapigilan ang pagkalat ng COVID Delta variant na ayon sa mga eksperto ay mabagsik. Ang variant na ito ang nanalasa sa India noong Mayo na marami ang namatay. Sa rami ng namatay, sa open space na sinusunog ang mga bangkay.

Ang variant din na ito ang naging dahilan ng surge sa Indonesia na nagdulot din nang maramihang pagkakasakit at pagkamatay. Umapaw ang mga pasyente sa ospital at nagkaubusan ng suplay ng oxygen.

Kahit sa Agosto 6 pa ang lockdown sa NCR plus, ipinatupad na ng DILG ang paglalatag ng checkpoints noong Linggo para maiwasan ang paglabas-masok sa borders. Ito ay para maiwasan ang pagkalat ng Delta variant. Bukod sa Philip­pine National Police, inalerto rin ang Armed Forces­ of the Philippines, Philippine Coast Guard at Bureau of Fire Protection.

Sana hindi masayang ang paghihigpit. Siguruhin naman ng mga ospital na handa sila sa bagsik ng Delta variant. Nararapat namang sumunod ang mamamayan sa health protocol para makaiwas sa virus. Doble ingat ang kaila­ngan ngayon.

DELTA VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with