^

Punto Mo

Mga kidnapper sa Nigeria, kinidnap pati ang tagahatid ng ransom

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SADYANG walang pinipili ang mga kidnapper sa Nigeria dahil pati ang tagahatid lang ng ransom para sa kalayaan ng mga bihag nilang mag-aaral ay kinidnap din nila.

Upang mapakawalan kasi ang mga batang bihag ay nag-ambagan ang kanilang mga magulang para sa ransom na hinihingi ng mga kidnappers.

Ipinadala nila ang 30 milyong naira (katumbas ng P3.6 milyon) sa isang lalaki na humarap sa kidnappers ngunit pati ito ay binihag na rin.

Kulang daw kasi sa napagkasunduang ransom ang hala­gang dala-dala ng lalaki kaya pati siya ay binihag.

Ngayon ay wala nang magawa ang mga magulang ng mga bata kundi mag-intay na lang sa susunod na mangyayari. Ubos na rin kasi ang kanilang mga ari-arian na ibinenta para mapalaya ang kani-kanilang mga anak.

Inuulan tuloy ng batikos ang mga kinauukulan sa Nigeria dahil sa sunud-sunod na kaso ng kidnapping doon.

Tinatayang nasa 1,000 mga mag-aaral ang nakidnap simula Disyembre noong nakaraang taon.

 

 

vuukle comment

NIGERIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with