_pang-masa
^

Punto Mo

Ang ika 13 babae sa kangyang buhay (1)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

SA edad na 53 ay single pa si Reagan. Marami na siyang naka-relasyon – nasa 12 anak ni Eba. Mahirap paniwalaan pero iyon ang totoo. At sa dami ng kanyang mga nakarelasyon ay wala siyang nakatuluyan. Hindi siya naging seryoso. Aywan niya kung bakit sa dami ng babae ay hindi siya nakapili nang kakasamahin sa buhay.

Hanggang sa abutin na siya ng ganitong edad. At ngayong gusto na niyang mag-asawa ay wala na siyang maispatang babae. Kumbaga ay nalipasan na siya ng panahon at ngayong naghahabol   na siya ay saka mailap na.

Matagal siyang nagtrabaho sa Saudi Arabia kaya nakapag-ipon siya ng ari-arian. Mayroon siyang sariling bahay at lupa at mayroong farm sa Batangas. May paupaham siyang limang pintong apartment. May dalawa siyang sasakyan. Kaya pakuya-kuyakoy na lang siya.

Pero habang nadadagdagan ang kanyang edad, nag-iisip din siya sa kanyang buhay. Mahirap ang walang kasama sa buhay.

Kapag nalulungkot siya sa kanyang dalawang palapag na bahay sa Makati, tatanaw siya sa bintana at tatanawin ang mga building na malapit lang sa kanyang tirahan.

At saka mag-iisip at bubuntunghininga. Sana ay hindi siya masyadong naging mapaglaro at sana ay naging seryos sa pakikipagrelasyon.

Noong Nasa Saudi siya, ilang nurse ang kanyang nobya. Pero hindi siya nakuntento. Gusto niya ay palit nang palit. Para sa kanya, madali lang magsiyota. Kailangang mangulekta nang mangulekta. Bukod sa nakarelasyong nurse sa Saudi, mayroon din siyang nakarelasyong teacher at fitness instructress. Meron din siyang nakarelasyong stewardess sa Saudia.

Sayang sana ay nagseryoso siya noon.

Isang umaga, habang nakadungaw sa bintana, natanaw niya ang isang babae na nagsasampay ng damit sa bakuran ng katabing bahay.

Seksi ang babae na siguro ay mga 25-anyos. Nakatagilid ang babae. Maganda kaya? (Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with