^

Punto Mo

Kakaibang Eba (Wakas)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“NGAYON ako naniniwala sa sinabi ni Mama, Mariz,” sabi ni Piolo habang hawak ang kanang palad ng dalaga. Nasa ilalim sila ng punong mangga.

‘‘Anong sinabi ni Mama Nitz, Piolo.’’

‘‘Ikaw daw ay kakaibang babae.’’

“Talaga? Kailan niya sinabi, Piolo?’’

“Noong wala na tayong komunikasyon. Dahil nga ayaw kitang hanapin, siya ang maigting na nagpumilit na hanapin kita. Malakas daw ang kutob niya na ikaw ang babae para sa akin. Nasabi ko kasi sa kanya noon na kapag ako ay mag-aasawa, yung kakaibang babae ang hahanapin ko. At ang sabi ni Mama, bakit hindi raw kita hanapin. Talagang paulit-ulit siya sa kahilingan na hanapin kita.’’

‘‘Hahalikan ko mamaya si Mama Nitz.’’

‘‘Tama si Mama na kakaibang babae ka, Mariz. Unang-una, kinaya mo ang mga gawain na naiwan ng iyong Itay Nado. Gaano kahirap ang mag-araro? Ikalawa, inasikaso mo ang iyong maysakit na ina. Napakabuti mong anak, Mariz. Ikatlo, sa kabila na inakusahan kitang may ibang karelasyon, hindi ka nagbago ng pagtingin sa akin. Hindi ka nag-attempt na ako ay palitan. Talagang kakaiba ka Mariz. Ikaw ang babae para sa akin. Lubha kang kakaiba sa lahat ng mga anak ni Eba.’’

Halos mapaiyak si Mariz sa mga sinabi ni Piolo.

‘‘Salamat Piolo. Para sa akin, kakaiba ka rin. Hinanap mo ako at sinikap na suyuin at alam ko mahal na mahal mo ako. Higit sa lahat, iniligtas mo ako sa kamatayan. Kung wala ka, baka natuklaw na ako ng kobra.’’

“Hindi kita pababayaan kahit anong mangyari. Magsasama tayo hanggang sa wakas, Mariz.’’

“Oo Piolo, hanggang sa wakas.’’

 

vuukle comment

KAKAIBANG EBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with