_pang-masa
^

Punto Mo

EDITORYAL - Mga sinibak dahil sa ‘pastillas’ balik na uli

Pang-masa
EDITORYAL - Mga sinibak dahil sa âpastillasâ balik na uli

SA State of the Nation Address (SONA) ni President Duterte noong Lunes, ipinagmalaki niya ang pagsibak sa 43 Immigration officers na sangkot sa “pastillas” scheme na nakapagbulsa ng P40 bilyon dahil sa visa-upon-arrival (VUA) policy. Nagsimula ang scheme noong 2017. Inalis na umano sa serbisyo ang Immigration officer. Sabi ni Duterte sa SONA, ‘‘There were 43 personnel involved. I fired them all. I really dismissed them from the government.’’

Ang 43 Immigration officers na ito rin ang pinatawag ng Presidente noong Disyembre ng nakaraang taon sa Malacanang at umano’y minura. Bago iyon, nagpahanda muna ang Presidente nang maraming “pastillas” na may pera sa loob. Nang makaharap niya ang mga opisyal, pinagbibigyan niya ng “pastillas” ang mga ito at saka sinabi, “Kainin n’yo yan dahil yan ay may pera!’’

Pinabulaanan naman ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang sinabi ng Presidente na sinibak na ang 43 Immigration officers. Sabi ni Guevarra, ang 43 ay nakabalik na sa puwesto kabilang ang 40 iba pa dahil tapos na ang suspension ng mga ito. “Hindi sila sinibak o dinismis dahil ang im-bestigasyon ng kanilang kaso ay nagpapatuloy pa,” sabi ni Guevarra.

Maaaring hindi nalalaman ng Presidente na ang sinasabi niyang sinibak na 43 Immigration officers ay nakabalik na sa puwesto. Maaring hindi siya na-update ukol sa mga ito. Ang nakakabahala rito, ngayong nakabalik na ang “pastillas” Immigration officers maaaring maulit ang scheme. Magpapatuloy ang katiwalian sa NAIA.

Limpak na pera na ang naibulsa ng mga corrupt na Immigration officials dahil sa “pastillas” scheme. Namera nang husto mula nang dumagsa sa bansa ang mga Chinese na nagtatrabaho sa Philippine Offshore and Gaming Operators (POGOs). Bawat Chinese ay naglalagay ng P10,000 para walang aberya ang kanilang pagpasok sa bansa.

Sa dami ng mga Chinese na pumasok sa bansa mula pa noong 2017, nakapagbulsa na umano ang mga korap sa Immigration ng P40 bilyon. Tinaguriang ‘‘pastillas scheme’’ dahil ang perang ipinang­lalagay sa mga corrupt Immigration officials ay nakabilot na parang ‘‘pastillas’’.

Nararapat bantayan ang mga nakabalik na Immigration officers na natakawan sa ‘‘pastillas’’. Hindi na dapat maulit ang ginawang kasibaan.

 

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with