_pang-masa
^

Punto Mo

Lockdown at ang ayuda!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nananatiling nasa general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR), yun nga lang balik sa mas mahigpit na restrictions.

Pero muling giniit ng OCTA, kailangang magpatupad kahit ‘circuit breaker ‘ lockdown o dalawang linggong lock­down para mapigilan ang pagtaas na naman ng kaso ng COVID.

Ang nakakatakot pa dito, patuloy pa rin sa pagtaas ang kaso ng Delta variant na ngayon nga’y umakyat na sa 216 ang bilang, matapos na makapagtala kahapon ng karagdagang bagong kaso na 97.

Hindi lang ang OCTA, maging ang Metro Manila mayors nais din na ipatupad ang lockdown dahil nga sa mabilis na pagtaas ng kaso sa NCR.

Bagama’t marami ang nag-e-expect na mas posibleng lockdown  ang ihahayag ni Pangulong Digong, pinanatili ito sa GCQ with heightened restrictions.

Maaaring tinimbang dito ng Pangulo ang negosyo na baka muling maapektuhan, gayung kabubukas pa lamang.

Hindi pa man nakakabawi, isasara uli.

Isa pa nga rito, aminado ang Malacañang na sakaling mag-lockdown sa NCR, hindi pa tiyak kung saan kukunin ang budget para sa ayuda sa mga maaapektuhan.

Siyempre, marami na namang trabaho ang maititigil, kaya apektado na naman ang kabuhayan ng marami.

Ito marahil ang isa pa sa tinimbang ng Pangulo.

Pero kung talagang aalagwa ang bilang ng kaso ng COVID lalu na nga ng mas mapanganib at nakakahawang Delta variant, baka maiba ang ihip ng hangin.

Na ito ang dapat na mapaghandaan hindi lamang ng LGUs, kundi ng mga indibiduwal.

Sa huli ang buhay pa rin ang siyang dapat na maging pangunahing bigyan ng proteksyon kung lalala ang sitwasyon.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with