_pang-masa
^

Punto Mo

Peryahan sa Pangasinan, magsasara na?

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

ANG patuloy na operation ng Peryahan ng Bayan (PnB) sa Pangasinan at sa iba pang parte ng Pinas ay wala pang green light ni President Digong, ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea. Sa kanyang sagot sa sulat ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma na may petsang Jan. 29, 2020, sinabi ni Medialdea na ang PnB ay nasa ilalim pa ng suspension order ni President Digong dahil sa COVID.

Sumulat kasi si Garma sa Palasyo noong Okt. 9 at Okt. 24, 2019 kung papayagang mag-operate ang PnB, na pinatatakbo ng Globaltech Mobile Online Corp. alinsunod sa Status Quo Ante na may petsang Mayo 17, 2016. Kaya sumulat din si Garma kina Jose Gregorio Aguiling, president ng Globaltech at Atty. Bernardo Vitriolo, vice president for Legal Affairs para i-remind sila na ang PnB ay wala pang resumption order mula sa PCSO. Dipugaaaaa!

“This has reference to the reports reaching our Office that there are people in the different parts of the country who are operating numbers game and are claiming to be Peryahan Games,” ani sa sulat ni Garma. “In this connection, may I remind you that pursuant to the Memorandum issued by the Office of the President, the resumption of Peryahan ng Bayan does not bear the approval of the President and therefore is still subject to the suspension order of the PCSO games,” ang dagdag pa ni Garma. “As a further reminder, PCSO has not issued a resumption order,” ang giit pa ni Garma. Araguuyyyyy!

Ayon pa kay Garma, ang pinayagan ni President Digong na PCSO games sa panahon ng pandemya ay ang Lotto, Keno, Scratch It, Sweepstakes at ang Small Town Lottery sa 81 siyudad ang probinsiya ng Pinas. Hayan, maliwanag pa sa sikat ng araw ‘yan ha mga kosa? Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaaaaa!

Matapos maisyu ang SQA noong 2016, ang PnB ay nag-retain ng kanilang operation sa Kyusi at 15 pang ibang lugar sa Pinas. Nagbukas pa sila sa 10 probinsiya subalit isinara nila ito kamakailan matapos masita sila, anang mga kosa ko sa Camp Crame. Sa ngayon, umabot na lang sa pitong lugar nag-ooperate ang PnB at mukhang naghihingalo na sila. Sinabi pa ng mga kosa ko na hindi nagbabayad ang PnB sa PCSO kaya umabot na sa P200 milyon ang pagkakautang nila. Dipugaaaaaa!

Makakabawi pa kaya ang PnB sa sigalot na inabot nila? Ano sa tingin mo Atty. Vitriolo?

Hindi lang kina Aguiling at Vitriolo sumulat si Garma kundi maging kina Eric Distor, OIC ng National Bureau of Investigation (NBI) at Gen. Guillermo Eleazar, chief ng Philippine National Police (PNP) para iparating sa kanila ang katayuan ng PCSO sa isyu ng PnB. Ang balitang kumalat kahapon sa Camp Crame ay pinag-aralan na ni Eleazar kung ipasasara niya ang PnB.

Unahin ni Eleazar na ipasara ang Pangasinan at Oriental Mindoro dahil malaki ang kubransa nila at maniniwala ang mga Pinoy na seryoso talaga siya sa pagpapasara ng PnB. Ang bangka sa Pangasinan ay si Tony Ong samantalang ang management ay si alyas Maj. Fajardo. Naipasara na noon ni Maj. Gen. Jun Azurin ang PnB sa Pangasinan subalit nagbukas sa panahon ni Brig. Gen. Emmanuel Peralta ang naupong PRO1 director. Magkanoooooo! Dipugaaaaa!

Abangan.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with