^

Punto Mo

EDITORYAL - Bentahan ng vaccine slots

Pang-masa
EDITORYAL - Bentahan ng vaccine slots

NAKAAALARMA ang sunud-sunod na pagkaaresto sa mga taong nagbebenta ng vaccine slot at pawang may kasabwat na barangay official. Mahal na naibebenta ang vaccine slot at ang mga parukyano ay mga Chinese na nagtatrabaho sa POGO. Kung ang mga taga-barangay ang mismong kasabwat sa bentahan ng vaccine slot, malamang na maraming lehitimong residente ng barangay ang hindi mabakunahan dahil sa korapsiyon na nangyayari. Magkakaubusan ng bakuna dahil naibenta na ang slot sa mga Chinese na nagtatrabaho sa Philippine offshore gaming operators (POGO). Kawawa naman ang mga residente na matagal nang nakareshistro sa baranga pero hindi pa mabakunahan dahil nga nagkaubusan na. Sa laki nang kinikita sa pagbebenta ng vaccine slot, pawang mga Chinese ang mababakunahan.

Noong Sabado, isang barangay kagawad sa Maynila at kasabwat niya ang inaresto ng National Bureau of Investigtation (NBI) dahil sa pagbebenta ng vaccine slot. Nakilala ang barangay kagawad na si Arturo Magtalas at kasabwat na si Benjie Montaos. Naaresto sila sa isang pampublikong eskuwelahan sa Tondo, Maynila na ginagawang vaccination sites. Ayon sa NBI, nakatanggap sila ng inpormasyon na magbebenta ng 10 vaccine slot sina Magtalas sa halagang P6,000 bawat isa. Mga manggagawang Chinese sa POGO ang kanilang parukyano. Kakasuhan ng graft si Magtalas.

Noong Biyernes, naaresto rin ng NBI ang dating government witness na si Mary Rose Ong alyas “Rosebud” dahil sa pagbebenta ng vaccine slots sa mga Chinese sa Pasay City. Ayon sa NBI bukod kay Rosebud, kasama ring inaresto ang kapatid nito na si Peter Ong, taga-Kawit, Cavite; Warlito Dabuet Mabanan, taga-Pasay; at Ferdinand Madrid Mabalo, isang secretary sa isang barangay sa Pasay.

May barangay official na namang kasabwat dito. Ibig sabihin, maraming nalalaman ang taga barangay kay naisasagawa ang bentahan ng vaccine slot. Dapat nang kumilos ang DILG para matigil ang masamang gawain na ito. Tiyak na may mga matataas pang opisyal na nasa likod. Kailangang masugpo ang bentahan ng vaccine slot. Kawawa naman ang mga lehitimong residente na hanggang ngayon ay hindi mabakunahan dahil sa korapsiyon.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with