^

Punto Mo

Kakaibang Eba (147)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

‘‘HUWAG ka nang umiyak, Mariz. Ligtas ka na,’’ sabi ni Piolo habang hawak sa buntot ang kobra. Hindi na makakilos ang kobra. Nawalan ng lakas at hindi na makatuklaw.

‘‘Muntik na akog tuklawin niyan, Piolo. Mabuti na lang at hindi ka natakot hulihin yan.’’

“Hindi naman kasi basta nanunuklaw ang mga ahas. Maliban na lamang kung sila ay sasaktan o hindi sinasadyang natapakan. Basta huwag ka lang gagalaw kapag nasa harapan mo ang kobra at hindi ka tutuklawin. Kaila-ngang relaks lang kapag nasa ganoong sitwasyon. Huwag matataranta.’’

“Ano ang gagawin mo sa kobra na ‘yan? Papatayin mo?’’

“Hindi! Baka endangered species na ang kobrang ito. Kailangang madala ito sa DENR para sila ang magpasya kung saan ito ilalagak.’’

“Kailangang mailagay mo sa sako yan, Piolo para hindi makatakas.’’

“Wala tayong sako na pag­lalagyan, Mariz.’’

Nang may matanaw na lalaki si Mariz na paparating. May dalang sako ag lalaki na siguro’y paglalagyan ng saging.

Kinausap ni Mariz ang lalaki na babayaran na lamang ang sako para paglagyan ng kobra. Pumayag ang lalaki at ito na rin ang nagpresenta na magdadala ng kobra sa DENR dahil may kakilala ito roon. Nagpasalamat si Piolo at Mariz. Binabayaran nila ang lalaki pero tumanggi ito. Umalis na ang lalaki na bitbit ang kobra na nasa sako.

Nakahinga nang maluwag sina Piolo at Mariz.

“Talagang dapat na tayong makasal Piolo. Hindi na ako lalayo sa iyo dahil malaki na ang utang ko sa’yo. Ngayon ay nadagdagan na naman dahil iniligtas mo ang buhay ko.’’

“Gusto mo bukas pakasal na tayo?’’

“Sobra namang bilis. Puwede sa isang linggo na lang, ha-ha-ha!’’

Nagtawanan sila.

Maya-maya ipinasya na  nilang umuwi sakay ng kalabaw. (Itutuloy)

 

vuukle comment

KAKAIBANG EBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with