^

Punto Mo

Lalaki, binalanse ang upuan sa baba ng higit 1 oras para sa world record

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Idaho na mayroon nang higit 200 world records ang nagkamit na naman ng panibago matapos niyang balansehin ang isang upuan sa kanyang baba (chin) nang mahigit 1 oras.

Ayon kay David Rush, kinailangan niyang gumamit ng regular size na upuan dahil hindi raw kikilalanin ng Guinness World Records ang kanyang attempt kung pambata ang upuang kanyang babalansehin sa kanyang baba.

Noong una, binalak pa ni Rush na mahigitan nang sobra-sobra ang dating world record na 1 hour, 2 minutes, at 18 seconds ngunit dahil sa pananakit ng kanyang leeg at pagkangawit ng kanyang binti, nagkasya na lamang siya sa record na 1 hour, 8 minutes, at 39 seconds.

Binansagan si Rush na “serial record-breaker” dahil mahigit 200 world records na ang kanyang nahigitan.

vuukle comment

WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with