_pang-masa
^

Punto Mo

Top official ng NCRPO, nais maging milyonaryo!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Mukhang nagmamadaling maging milyonaryo ang top official ng NCRPO at nais gawing gatasan ang operator ng Small Town Lottery (STL) na gustong pumasok sa sakop niya. Sinabi ng mga kosa ko na humihingi ng P1 milyon na grease money o padulas ang top NCRPO official sa STL operator, maliban diyan sa P1.5 milyon kada buwan naman.

Di ba legal naman ang STL Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Gen. Manager Royina Garma, Mam at dapat 5 percent lang ang share ng PNP dito? Kung ganyan kalaki ang hinihingi ng top NCRPO official sa STL operator, ano ‘yung ibo-bookies ng huli ang laban niya para makabawi sa inilabas niyang milyones? Tanong lang po!

Teka, teka linawin ko lang hindi si NCRPO chief Maj. Gen. Vicente Danao ang tinutukoy ko na NCRPO official ha mga kosa? Kasi may ambisyon na maging chief PNP si Danao at baka ang buong akala ng mga kosa ko ay siya ang pinatatamaan ko para mabura ang ambisyon niya. Dipugaaaaaaa!

Sinabi ng mga kosa ko na nagkita si top NCRPO official at ang STL operator, na tatawagin kong si Mrs. Sy, sa isang yate sa Manila Bay kamakailan. Hehehe! Ayaw pang mabuking ni Sir no? Ang hinirit ni top official kay Mrs. Sy ay P1 milyon down payment, hehe padulas sa street linggo, at P1.5 milyon kada buwan. Siyempre, kamuntik mahulog sa kinauupuang bangko si Mrs. Sy, kasi nga, ngayon lang siya nakatagpo ng opisyal ng PNP na ganid sa pitsa. Kung sabagay, kahit sino ang tanungin n’yong opisyal sa Camp Crame, ‘yan talaga ang kahinaan ni Sir... ang pitsa. Hak hak hak! Ano ba ‘yan? Sa pagkaalam ng mga kosa ko ipinarating ni Mrs. Sy ang kanyang problema kay Mam Garma. Ewan ko lang kung nakarating ang isyu kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar? Nakupooooo! Mababawasan ang pogi points ni Sir kay Gen. Eleazar at baka bilang kaparusahan sa kanya ay di na siya maging RD. Dipugaaaaaa!

Hindi masabi ng mga kosa ko kung natuloy ang presyo ni Sir subalit mukhang matutuloy ang STL sa lugar niya dahil nagpamiting na ito, mismo sa opis niya, ng mga management ng palaro. Pro-Sy na si Sir? WhY are u so gahaman sa pitsa Sir? Hak hak hak! Mukhang walang takot kina Gen. Eleazar at Gen. Danao si Sir eh. Di pa nakuntento si Sir sa milyones na suporta ni Myor sa kanya, na dati ay ipinamahagi ng pinalitan nia sa mga chief of police n’ya. Dipugaaaaa! May clue na ba kayo mga kosa kung sino si top NCRPO official?

Kaya naman kinakausap ni Mrs. Sy ang PNP at LGUs na papasukin niya dahil ayaw niyang maulit ang masaklap na sinapit ng Smiley Fortune Corp., sa Taguig City. Binigyan ng PCSO ng prangkisa ang Smiley at pinagsimula sila noong Hulyo 1 subalit hindi sila binigyan ng mayor’s permit ni Mayor Lino Cayetano at imbes ay pinadlock ang draw court nila. Kaya nganga ang Smiley sa ngayon at ayaw daranasin ni Mrs. Sy ang sinapit nila. Kaya’t unang inaayos ni Mrs. Sy ang kaukulang permit sa LGUs at green light ng PNP bago kumuha ng prangkisa sa PCSO. Pabor kaya si kosang Peryong sa STL? Dipugaaaaaa! Abangan!

NCRPO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with