_pang-masa
^

Punto Mo

EDITORYAL - Salamat, Hidilyn

Pang-masa
EDITORYAL - Salamat, Hidilyn

NAPAWI ang kauhawan ng Pilipinas sa gintong medalya matapos mapanalunan ni Hidilyn Diaz ang kauna-unahang Olympic gold medal para sa Pilipinas sa Tokyo Olympics sa Japan, noong Lunes ng gabi.

Parang apoy na kumalat ang pagkapanalo ni Hidilyn­ sa 55 kilogram category. Ang nakahahanga, walong iba pang atleta para sa kategorya, kabilang ang world record holder na si Liao Qiuyun ng China ang tinalo ng Zamboanga native. Maski si Hidilyn ay hindi makapaniwala na nanalo siya. 

Bumaha ang papuri kay Hidilyn. Marami ang nagpasalamat sapagkat sa loob ng 100 taon na paglahok ng Pilipinas sa Olympic, ngayon lamang nakasungkit ng gintong medalya. At ang nakagu­gulat, isang babae pa ang nagkaloob nito. Hindi talaga dapat tawaran ang kakayahan ng mga babae ngayon. Sila pala ang maghahatid ng karangalan sa bansa.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagbigay ng karangalan sa bansa si Hidilyn. Noong 2008 Summer Olympics na ginanap sa South Korea, siya ang pinakabatang competitor sa women’s 58-kg category. Noong 2016 Summer Olympics sa Rio de Janiero, Brazil, nanalo siya ng silver medal sa women’s 53-kg weight division. Noong 2006 Southeast Asian Games, pang-sampu siya sa 53-kilogram category at noong 2007 Southeast Asian Games sa Thailand, nagkamit siya ng bronze medal.

Edad 10 pa lamang nang magsimulang magka­interes sa weightlifting si Hidilyn. Noong estud­yante siya sa Universidad de Zamboanga, naging kinatawan siya ng kanyang school sa Asian Youth/Junior Weightlifting Championship na ginanap sa Jeonju, South Korea. Nanalo siya ng dalawang gold at isang silver medal.

Malayo pa ang mararating ni Hidilyn sa lara­ngan ng weightlifting at marami pa siyang ihahandog na karangalan sa bansa. Nararapat siyang suportahan. Buhusan ng tulong ang kanyang sports na nagdala sa bansa ng unang gold.

Simulan na rin ang paghanap sa mga susunod pang Hidilyn. Habang bata pa, magsanay ng mga susunod sa kanyang mga yapak.

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with