_pang-masa
^

Punto Mo

Lockdown nakaamba na naman!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ayon sa OCTA may COVID surge na sa National Capital Region (NCR).

Sinasabing ang mabilis na pagtaas ng kaso ng virus ay dahil sa Delta variant  na mabilis na nakakahawa.

Ayon naman sa DOH, nasa 47% ang itinaas ng kaso ng COVID sa rehiyon.

May rekomendasyon na ang OCTA, na sana raw ay magpa­tupad na ng ‘circuit breaker lockdown’ sa Metro Manila para mapigilan ang lalong pagtaas ng kaso.

Kamakalawa sa SONA ni Pangulong Digong, nagparamdam na rin ito na kapag tumaas ang mga kaso, posibleng bumalik tayo sa dati. Posibleng magpatupad nga ng panibagong  lockdown.

Ito na nga ba ang sinasabi natin,  ang pagbalik natin sa mas mahigpit na lockdown dahil nga sa naging kampante ang ilan.

Isang libo araw-araw ang itinataas ng kaso sa NCR, na ayon  sa OCTA kapag pumalo na ito sa 2,000 unti-unti na naman itong mararamdaman  ng mga ospital.

Patunay daw ito na mabilis ang pagkalat ng virus.

Nakamonitor ang mga kinauukulan sa mga susunod na araw, kung patuloy na tataas ang kaso at kapag ito ay nangyari, asahan na ang lockdown.

‘Wag naman sanang mangyari sa atin ang naganap sa ating karatig bansa na nasumpungan sa matinding pagtaas ng kaso dahil nga sa naging kampante at pabaya ang ilan.

Laging isipin ang matinding hirap na dinanas sa mahigpit na    lockdown lalo na sa kabuhayan ng marami.

Hindi pa man nakakabangon ang ekonomiya, eto na naman at muling maaapektuhan.

                                           

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with