_pang-masa
^

Punto Mo

Kakaibang Eba (146)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGULANTANG si Piolo sa pagsigaw ni Mariz. Nasa itaas ng punong bayabas si Piolo at namimitas ng bunga.

‘‘Piolo, tulungan mo ako! May kobra! Eeeeeeeeee!’’

Nang tingnan ni Piolo, nasa harapan ni Mariz ang kobra. Naka­taas ang ulo at handang tuklawin si Mariz.

Pero buo ang loob ni Piolo. Marami na siyang nabasa ukol sa mag makakamandag na ahas na hindi naman basta-basta nanunuklaw ang mga ito hanggang hindi sila nasasaktan o nagugulat.

‘‘Huwag kang gagalaw, Mariz. Relaks lang. Huwag kang magsasalita. Nariyan na ako. Pababa na ako. Ililigtas kita!’’

Nanatiling tahimik si Mariz. Sinunod niya ang payo ni Piolo. Halos nakipagtitigan na lang siya sa kobra. Kitang-kita niya ang mapula at sanga-sangang dila ng kobra. Napagmasdan niya ang mga mata nito na nagpapakilala ng pagiging maba­ngis at makamandag. Kulay ginto ang ulo nito ganundin ang malapad na leeg. Diyos ko iligtas mo ako! Naibulong na lang niya at saka pumikit. Bahala na ang Diyos!

Samantala, nakababa na si Piolo. Dahan-dahan siyang lumapit sa likuran ng kobra. Maingat na maingat ang kanyang paghakbang. Kaila­ngang hindi siya maramdaman ng kobra.

Nang malapit na malapit na siya sa likod ng kobra, buong tapang niyang dinampot at hinawakan nang mahigpit ang buntot nito.

Nagtagumpay siya. Hindi na makakilos ang kobra habang hawak niya ang buntot. Nawalan nang lakas at hindi rin makatuklaw.

Inilayo niya kay Mariz ang kobra.

Saka niya sinabihan si Mariz.

‘‘Ligtas ka na Mariz!’’

Saka lamang nagmulat si Mariz.

Nakita niya na hawak ni Piolo ang ahas sa buntot.

Umiyak si Mariz.

‘‘Huwag ka nang umiyak! Ligtas ka na!’’

“Salamat Piolo! Salamat!’’

(Itutuloy)

KAKAIBANG EBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with