_pang-masa
^

Punto Mo

Lalaki na isang linggong hinarass ng oso, na-rescue dahil sa ‘sos’

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki na isang linggong hinarass ng isang oso sa kagubatan ng Alaska ang na-rescue matapos mamataan ng isang rescue helicopter ang ginawa niyang ‘‘SOS’’.

Hindi na kinilala sa mga ulat ang lalaki, na na-stranded sa kanyang camp site matapos siyang balikan gabi-gabi ng oso.

Dahil sa gabi-gabing pangha-harass ng oso, nagtamo ng sugat at pasa ang lalaki.

Mabuti na lamang at naisipan niyang bumuo ng malaking “SOS” sa kanyang camp site.

Ito ang namataan ng Alaskan coast guard kaya sila lumipad sa kinaroroonan ng lalaki.

Humiling kaagad ang lalaki ng medical na tulong dahil sa pinsalang inabot niya mula sa oso. Agad naman siyang inilipad sa kalapit na bayan kung saan ginamot ang kanyang sugat.

Kakaiba raw ang paulit-ulit na pangha-harass na ginawa ng oso ayon sa tagapagsalita ng Alaskan Coast Guard.

Bihira raw kasi na makaengkwentro ng isang tao ang kaparehong oso sa magkakaibang pagkakataon kaya talagang mapanganib ang naging sitwasyon ng lalaki.

Ayon sa isang 2019 report ng mga health officials sa Alaska ay nasa 68 na katao ang kinailangang itakbo sa ospital matapos atakehin ng oso mula 2000 hanggang 2017. Sa panahong iyon, nasa 10 ang binawian ng buhay dahil sa bear attacks.

 

ALASKA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with