_pang-masa
^

Punto Mo

EDITORYAL - Huwag papilahin sa ulan at baha

Pang-masa
EDITORYAL - Huwag papilahin sa ulan at baha

NAUULANAN at nakalubog sa tubig-baha ang mga paa at binti ng mga nagpapabakuna laban sa COVID-19. Gayunman, walang reklamo ang mga residente ng Maynila noong nakaraang linggo at ang mahalaga sa kanila ay mabakunahan. Gusto nilang magkaroon ng proteksiyon laban sa CO­VID lalo na sa kinatatakutang Delta variant. Mas takot silang mahawahan kaya kahit mahaba ang pila, bumubuhos ang ulan at bumabaha, hindi sila natinag.

Ang mahabang pila ng mga magpapabakuna ay nangyari sa San Andres Sports Complex sa San Andres, Maynila noong nakaraang Miyerkules. Dumagsa ang mga tao at pumila mula pa umano alas-kuwatro ng madaling araw. Nang bumuhos ang ulan, hindi sila natinag sa pila. Maski nang unti-unti nang lamunin ng baha ang kanilang mga paa, hindi sila nag-alisan. Hanggang sa umabot sa kanilang binti ang baha, nanatili pa rin sila sa pila. Iyon ay sa kabila na hindi nila sigurado kung aabot sila sa quota ng mga babakunahan sa araw na iyon.

Ang mahabang pila ng tao habang nasa gitna ng ulan at nakababad sa tubig-baha ay nakaagaw ng pansin ni President Duterte. Nahabag siya sa mga nakapila kaya ipinag-utos sa Department of Interior and Local Government (DILG) na maglabas ng direktiba sa local government units (LGUs) na maging “proactive” at “circumspectively” nga­yong panahon ng tag-ulan.

Mariing sinabi ng Presidente na gamitin ng mga mayor at barangay captain ang common sense. Humanap ng tuyo at mas malaking lugar sa pagbabakuna upang maging maayos ang kalagayan ng mga tao.

Nararapat naman ito. Isang magandang halimbawa ay ang pagbabakuna sa Quezon City na secure ang mga tao sapagkat nasa isang gym. Kahit umulan o bumaha, ligtas ang mga nagpapabakuna.

Mabuti naman at napansin ng Presidente ang mahabang pila ng mga tao na nagtitiis maulanan at bahain. Kung dati ay nagbabala ang Presidente na ipaaaresto ang mga hindi magpapabakuna, nga­yon ay hindi na. Nakita na niya na marami ang nagpapabakuna kaya naman nagalit sa hindi maayos na kalagayan habang nasa pila.

Sana maisaayos ang kalagayan ng mga magpapabakuna habang nakapila.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with