_pang-masa
^

Punto Mo

Maari pa bang magsampa ng reklamo laban sa kapitbahay na nagmura?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nakaalitan ko po ang kapitbahay ko nitong nakaraang Marso nang mag-lockdown uli. Pinagmumura po niya ako at pinagsisigawan nang masasakit na salita. Gusto ko po sanang sampahan ng kriminal na reklamo pero dahil nga po lockdown noon ay hindi po ako maka­labas at wala po akong sapat na sinasahod para may maipanggastos sa pagdedemanda. Ngayon po ay gusto ko na talagang magsampa ng kaso upang maturuan ng leksyon ang kapitbahay ko. Ano po ba ang maaring reklamo laban sa kanya? —Arnel

Dear Arnel,

Maaring oral defamation o slander ang ginawang pagmumura sa iyo ng kapitbahay mo. Ang oral defamation, ayon sa Korte Suprema sa kasong Villanueva v. People [521 Phil. 191, 200 (2006)], ay tumutukoy sa pagbigkas ng mga mapanirang-puri na mga salita na mapaminsala sa reputasyon o hanapbuhay ng isang tao. Ito ay ang pagbibintang ng krimen, bisyo, o depekto, mapatotoo man ito o hindi, na nagdudulot ng pagkasira ng puri ng sinasabihan nito sa pamamagitan ng pananalita.

May dalawang klase ng slander: ang simple slander at grave slander. Ang slander ay “simple” lamang kung ang pagbigkas ng mga mapapanirang salita ay dulot lamang ng init ng ulo at galit ng nagsabi nito. “Grave” naman ito at may mas mabigat na parusa kung ang mga mapanirang mga salita ay binitawan upang makapang-insulto talaga at makapanira ng reputasyon at hindi dahil lamang sa bugso ng damdamin. Ibig sabihin, hindi lamang ang mga salita ang pagbabasehan kung ang slander ay simple o grave.

Sa kaso mo, ang buong sitwasyon nang ikaw ay minura ng iyong kapitbahay ang magpapasya kung simple slander lang ba o grave slander ba ang ginawa ng kapitbahay mo. Hindi ka rin mapapanigurado na porke ikaw ay minura ay slander na kaagad. May ilang kaso na kasing dinesisyunan ang Korte Suprema kung saan ang mga pagmumura ay hindi ipinagpapalagay na oral defamation ng korte dahil ang mga ito raw ay karaniwang expression na lamang na bunga ng galit at hindi talaga binibigkas upang makapanira.

Mahalaga ring malaman mo na anim na buwan lamang ang prescription o panahong inilalaan sa ilalim ng Article 90 ng Revised Penal Code (na inamyendahan ng Republic Act 4661) para sa mga magsasampa ng slander o oral defamation.

Ayon sa iyo, noong Marso nangyari ang alitan n’yo ng kapitbahay mo kaya mayroon ka pang natitirang humigit-kumulang na dalawang buwan bago mapaso ang pagkakataon mong makapagsampa ng kriminal na reklamo.

LOCKDOWN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with