_pang-masa
^

Punto Mo

Anghel

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

TAON 1967. Sa lugar ng mahihirap na “white” American sa Ohio USA, may trak na naligaw at huminto sa harapan ng bahay ng mga Lewis. Apat na estranghero ang bumaba sa trak. Ang batang si Marilyn ay kasalukuyang naglalaro samantalang ang kanyang ina ay nagsasampay ng mga nilabhang damit. Nagulat ang bata dahil ang dalawang lalaking nakauniporme ng jail guard ay may kasamang dalawang lalaking nakaposas at ang mga paa ay may nakakakabit na kadena. Naupo ang mga ito sa ilalim ng punongkahoy samantalang ang isang guwardiya ay lumapit sa kanyang ina.

“Puwede pong makiinom sa inyong poso?”

“Sige, uminom na kayo.”

Habang umiinom ang mga lalaki, ang kanyang ina ay dali-daling pumasok sa bahay. Kinuha niya ang tinapay na nakatago sa cupboard at binuksan ang lata ng tuna. Mabilis niyang ipina­laman ang tuna sa dalawang tinapay. Nagtimpla ito ng lemonade sa pitsel.

Samantala ang mga lalaki ay sandaling naupo sa lilim ng punongkahoy. Nang lumabas ang ina ay nagtayuan ang mga ito, sabay nagpasalamat at nagpaalam. Ngunit pinigilan siya ng ina. “Sandali, kumain muna kayo.”

Tinulungan ni Marilyn ang ina na iabot ang sandwiches sa mga lalaki. Tinulungan din niya ang dalawang bilanggo na hawakan ang baso para salinan ng lemonade mula sa pitsel. Pitong taon pa lang si Marilyn ng panahong iyon pero damang-dama niya ang tuwa ng dalawang bilanggo na ang isa ay “Black”. Bihira ng mga panahong iyon na may makita kang White na sinisilbihan ang isang “Black”.

Bago tuluyang magpaalam, may sinabi ang bilanggong “Black” sa ina.

“Hindi po ako naniniwala sa anghel, ngunit ngayong araw naniniwala na po ako. Isa kang anghel Ma’am. Maraming salamat po.”

“Walang anuman. God bless you!”

Ang tingin ni Marilyn ay sumigla ang kilos ng mga bilanggo na kanina lang ay mukhang lulugo-lugo. Marahil dahil sa uhaw at gutom.

Lumaki si Marilyn na isang manunulat. May sinulat siyang nobela na ilang beses nang na-reject ng mga publishers. Bago pa lang siyang manunulat at tila walang gustong magbigay sa kanya ng “break”.

Ngunit isang araw, may telegrama siyang natanggap mula sa isang publisher na nagsasaad na interesado ito sa kanyang obra at nais nitong makipagkita nang personal sa author.

Nagulat si Marilyn nang magpakilala ang publisher sa kanya. Siya ang Black prisoner na pinakain nila ng kanyang ina noong araw. Nang lumaya ay nag-aral at nagsikap magtayo ng isang publishing company. Pagkalabas sa bilangguan, ang una niyang ginawa ay kilalanin ang mag-inang “White” na nagpakita ng kabaitan sa isang black na kagaya niya sa kauna-uanahang pagkakataon. Samantala, iyon ang naging simula ng pag-asenso ng career ni Marilyn bilang manunulat.

“Don’t forget to show hospitality to strangers, for some who have done this have entertained angels without realizing it!” – Unknown

ANGEL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with