_pang-masa
^

Punto Mo

Bumabalik sa dati: ‘Wag naman!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ayan na nga, parang unti-unti nang nararamdaman na bumabalik na naman tayo sa dati.

Unang ibinalik ni Pangulong Digong sa general community quarantine with high restrictions ang NCR at apat pang lalawigan.

Ito ay dahil nga sa banta ng Delta variant.

Noong Sabado, kinumpirma ng DOH na may natukoy na naman na 17 kaso ng Delta variant kaya umakyat na ito sa kabuuang bilang na 64 na kaso nang mapanganib na variant.

Balik na naman  sa mas mahabang curfew ang NCR.

Kasabay nito, ilang araw na nananalasa ang habagat na hinila ng bagyong Fabian kaya nagdulot ng pagbaha sa maraming lugar maging sa NCR.

Libu-libo inilikas, na ito nga ang nakakatakot dahil sa mga siksikang mga evacuation center. Minsan nga hindi na alintana ang ilang safety protocols.

Sumabay pa rin noong Sabado ang malakas na lindol sa Batangas na naramdaman din sa Metro Manila.

Kaya nga ang nangyari pandemya na, baha na, may lindol pa.

Marami sa ating mga kababayan ang talagang hindi na alam ang gagawin at marami ang nasa kahabag-habag na kalagayan.

Kaya nga dapat na may malinaw na plano ang pamahalaan sakaling magkasabay-sabay ang ganitong mga kalamidad, paano ito matutugunan?

Maging ang nagiging kalagayan ng mga evacuees sa mga evacuation center eh paano maisasaayos upang maiwasan ang hawaan.

Kaya nga marami na rin sa ating mga kababayan ang tumatangging lumilikas at magtunga sa mga inilaan evauation center dahil sa takot na mahawa sa virus.

Kailangan talaga ang pagtutulungan ng gobyerno at mga mamamayan, para mapigilang magkaroon muli ng COVID surge, lalo na’t pataas din ang bilang ng naitatalang Delta variant.

Hindi dapat na mangyaring maging kampante, gaya ng nangyari sa ilan nating kalapit bansa na  ngayon ay ramdam ang mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID.

Mahirap nang bumalik sa dati nating kalagayan sa pandemya.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with