_pang-masa
^

Punto Mo

Cordillera PNP, No. 1 sa ELCAC operations!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

SIPAG at tiyaga ang puhunan ng Cordillera police para himukin at kumbinsihin ang 125 New People’s Army, militia at supporters na sumuko sa ilalim ng programa ni President Digong na tapusin na ang communist rebellion sa bansa. Kaya naman sumuko itong mga rebelde kasi nakita nila na seryoso ang gobyerno na bigyan sila ng trabaho at pagkakitaan para masuportahan nila ang kani-kanilang pamilya, ani Cordillera police director Brig. Gen. Ronald Lee.

Nasa kainitan kasi ng programa ng gobyerno na gastusan ng P20 milyon infrastructure at dev’t projects sa mga NPA-infested communities sa bansa sa ilalim ng National Task Force End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kaya’t naisipan ng mga rebelde na sumuko na, ang dagdag pa ni Lee. Kung nangyayari itong mada­mihang pagsuko ng mga rebelde sa Cordillera police, hindi tayo magtataka kung sa ibang parte ng Pinas ay marami rin ang sumusukong NPA’s, militia at kanilang mga supporters, di ba mga kosa? Tiyak ‘yun! Dipugaaaaaa!

Sinabi ni Lee na sa 125 na sumukong rebelde nitong unang anim na buwan ng taon, 44 dito ay mga regular NPAs, 77 ang militia at tatlong supporters. Isinuko rin nila ang 60 iba’t ibang kalibre na mga baril at 28 explosives. Ipinamahagi ni Lee sa mga sumuko ang P689,000 cash, livelihood renumerations at groceries, na galing pa sa kanyang bulsa.

Wow bigatin si Lee ah! Sana tularan siya ng iba pang regional directors ng Philippine National Police (PNP) para lalong dumapi pa ang kasapi ng NPA ang sumuko na at magbagumbuhay dahil hindi pa huli ang lahat para sa kanila. Dipugaaaaaa!

Dahil sa accomplshments ng Cordillera police, aba nakamtan nila ang premyong Best performing Operation Center sa first semester ng taon na iginawad ni Hermogenes Esperon, vice chairman ng NTF ELCAC sa isang virtual conference noong Hulyo 23. Sinabi ni Lt. Col. Dawiguey Daytoy, OIC operations chief ng Cordillera police na may 52 pages silang ipiniresentang report kung saan nakalagay ang kanilang accomplishments, issues at concerns, at kasunod na hakbangin.

Base sa parameters na ibinigay ng NTF ELCAC Operations Center, nakakuha ang Cordillera police ng grado na 85.84 percent, at nanguna sila sa 17 iba pang Joint Regional Task Force Operations Centers sa buong Pinas, ayon kay Lt. Col. Daytoy. Wow! Mabuhay ang Cordillera police! Hehehe! Dipugaaaaaa!

Habang nasa kainitan ang ELCAC sa pagsagawa ng infrastructure at development projects sa Cordillera region, panay naman ang pagkilos nitong DOLE, DSWD at TESDA para bigyan ng employment, poverty reduction, livelihood opportunities ang mga sumukong rebelde. Binigyan din sila ng post training tools, materials at equipment.

Sinabi ni Lee na nag-organisa rin ang mga ito para depensahan ang kanilang pamilya laban sa dating nilang mga kasama sa bundok, maliban pa sa madalasang pagpatrulya ng pulis at militar sa kanilang lugar. Sa mga kosa kong NPA diyan, suko na nang sa gayon gumanda ang takbo ng kinabukasan ng inyong pamilya. Dipugaaaaa! Abangan!

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with