^

Punto Mo

Kakaibiang Eba (142)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINABUKASAN, nagpaturo si Piolo kay Mariz kung paano mag-araro gamit ang hand tractor. Desidido si Piolo na matuto kaya wala pang isang oras ay marunong na siyang mag-araro. Mabilis siyang kumilos kaya natatapos na niya ang isang pitak ng bukirin na sinimulan ni Mariz.

“Magpahinga ka muna Piolo. Magmeryenda tayo sa dampa,’’ yaya ni Mariz.

‘‘Sandali na lang ito Mariz. Tatapusin ko muna ang binubungkal na ito para magandang tingnan.’’

‘‘Ang bilis mo nang mag-araro, Piolo.’’

“Mabilis lang palang matuto nito.’’

‘‘Bukas ang pagtatanim naman ng palay ang ituturo ko sa’yo.’’

“Sige.’’

Nang matapos araruhin ni Piolo ang pinitak ay nagtungo siya sa dampa para magmeryenda. Nakahanda na ang meryenda sa papag.

‘‘Anong meryenda natin, Mariz?’’

‘‘Sinukmani at mainit na barakong kape.’’

‘‘Type ko ‘yan. ‘Yan din ang paborito ni Mama.’’

‘‘Ah kaya pala ito ang ni-request niya kay Inay Encar. Gusto pala niya ang sinukmani.’’

Nagsimula na silang magmeryen­da.

Habang kumakain ay inulit ni Piolo kay Mariz ang balak na dito na manirahan.

“Ngayong marunong na akong mag-araro lalo na akong excited na manirahan dito.’’

“Talagang desidido ka na, Piols?’’

‘‘Oo. Wala nang makakapigil.’’

“Paano ang mama mo kung dito ka na maninirahan. Sino ang kasama niya sa Makati?’’

‘‘No problem. Sa atin siya titira. Sama-sama tayo rito. Tutal naman at magkaibigan sila ni Inay Encar e ‘di dito na rin siya. Di ba masaya kapag ganun?’’

‘‘Pinasaya mo na naman ako Piols.’’

“Mas lalo kang sasaya kapag ikakasal na tayo.’’

Pinisil ni Piolo ang palad ni Mariz.

‘‘Mahal na mahal kita, Mariz.’’

“Ako rin, Piols. Mahal na mahal din kita.’’  

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with