_pang-masa
^

Punto Mo

EDITORYAL - Mag-ingat sa COVID-19 ganundin sa leptospirosis

Pang-masa
EDITORYAL - Mag-ingat sa COVID-19 ganundin sa leptospirosis

TATLONG araw nang umuulan na nagdudulot nang pagbaha. Kahapon, marami na namang lugar sa Metro Manila ang binaha. Hanggang hita ang baha. Magpapatuloy pa umano ang pag-ulan, ayon sa PAGASA.

Ngayong tag-ulan at tagbaha, hindi lamang COVID-19 ang dapat iwasan kundi pati na rin ang leptospirosis na nakukuha sa baha na kontaminado ng ihi ng daga. Kung marami ang nag-iingat para hindi mahawahan ng COVID dapat ganito rin ang pag-iingat kapag lulusong sa bahang kalye. Kung nagsusuot ng face mask o face shield laban sa COVID, dapat magsuot naman ng bota kapag lulusong sa baha.

Ang leptospirosis ay sakit na nakukuha sa baha na kontaminado ng ihi ng mga hayop, lalo na ang ihi ng daga. Ayon sa Department of Health (DOH), delikado ang sakit na ito na maaaring ikamatay kapag hindi naagapan.

Sa kabila naman na delikadong magbabad sa tubig-baha, kapansin-pansin ang maraming bata na naliligo sa baha. Wala silang takot kung lumublob at sumisisid pa. Hindi sila pinagbabawalan ng kanilang mga magulang. Wala pakialam ang mga magulan kung ang pinagtatampisawan ng kanilang mga anak ay kontaminado ng ihi ng daga. Kapag may sugat sa paa o binti ang bata, doon papasok ang mikrobyong leptospira na nagdadala ng sakit na leptospirosis.

Kahapon, maraming residente sa Malate, Maynila ang nakapila para mabakunahan. Ang nakakatakot, nakababad ang kanilang mga paa at binti sa baha. Posibleng magkasakit sila ng leptospirosis. Noong nakaraang taon, nakapagtala ang DOH ng 1,030 kaso ng leptospirosis at 93 rito ang namatay.

Ang mga sintomas ng leptospirosis ay lagnat, nahihirapang umihi, naninilaw ang balat at namumula ang mga mata. Lumalabas ang sintomas makaraan ang pitong araw.

Ang paglilinis sa kapaligiran ang susi para malipol ang daga na naghahatid ng leprospirosis. Kung malinis at nasa ayos ang pagtatapon ng basura, walang mabubuhay na daga. Magsuot ng proteksiyon sa paa kung lulusong sa baha. Pagbawalan ng mga magulang ang mga anak na maglunoy sa baha.

Kung patuloy ang pag-iingat sa COVID, mas lalong dapat mag-ingat sa leptospirosis sapagkat delikado ang sakit na ito. Ibayong pag-iingat ang nararapat.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with