_pang-masa
^

Punto Mo

Mga border tutukan vs Delta variant

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Labingdalawa na namang mga bagong kaso ng Delta va-riant ang naitala sa Pinas. Sa kabuuan  nasa 47 na ang kaso ng variant na ito sa bansa.

Bukod pa rito, nadagdagan din ang bilang ng iba pang variant .

Dahil nga rito, hirit ng mga eksperto kailangang magpatupad ng mas mahigpit na regulasyon sa border o yung pagpasok ng mga biyahero lalo na sa mga bansang may mataas na kaso ng COVID tulad ng Malaysia at Thailand.

Kung hindi naman maipatupad ang travel ban sa mga bansang ito, dapat lang marahil na ipatupad ang 14 days quarantine.

Mahirap na baka tayo malusutan.

Sa ngayon pataas ang production number ng COVID lalu na sa NCR, pero hindi pa makumpirma kung ang pagtaas ng bilang na tinatamaan ng virus ay dahil sa Delta variant.

Mas mabilis kasi itong makahawa at delikado pa.

Dahil nga sa pangyayaring ito, mistulang may COVID scare na rin sa bansa.

Katunayan  yan na araw-araw eh talagang parami nang parami ang nagnanais nang mabakunahan.

Sa mga nakalipas ngang araw kung saan kahit masungit ang panahon at sa ibang lugar pa eh binaha, hindi nagpatinag ang mga nagnanais na magpabakuna.

Kahit pa nga nakalubog ang kanilang mga paa sa baha sa mahabang oras dahil sa pila, aba’y ok lang sa kanila.

Ang masaklap nagka -proteksyon ka nga sa COVID,  leptospirosis naman ang nagbabantang dumale.

Ganyan ngayon ang malaking takot ng mga mamayan sa COVID, kung dati parang balewala lang ang banta ng virus, ngayon lang nila nararamdaman na seryoso at mapanganib nito.

Pero ika nga ang paalala pa rin ng  pamahalaan, hindi pases ang bakuna para hindi tamaan ng virus. Kailangan kasabay nito ang pagsunod pa rin sa safety protocols. Wala na sanang maging pasaway nang mapigilan  ang COVID surge at pagbalik sa dating mahigpit na restrictions.

DELTA VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with