_pang-masa
^

Punto Mo

23 prangkisa ng STL, aprubado na ng PCSO!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

INAPRUBAHAN ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang 23 bagong prangkisa ng Small Town Lottery (STL) sa bansa. Malaki ang paniniwala ni PCSO General Manager Royina Garma na lalong tataas ang kita nila kapag tinangkilik ng mga Pinoy ang mga bagong bukas na STL branches sa Luzon, Visayas at Mindanao. May humigit-kumulang na 80 STL na ang nag-ooperate sa buong Pinas.

Ang mga bagong STL branches ay pinayagan ng magbukas noong Hulyo 1, maliban sa tatlo na nagkukumpleto pa ng kanilang requirements. Lima sa bagong bukas na STL ay matatagpuan sa Metro Manila. Halos maraming bahagi ng bansa ay nasa general community quarantine (GCQ) na kaya malaki ang paniniwala ni Garma na maraming Pinoy na ang tatangkilik, hindi lang sa STL, kundi maging sa lotto at iba pang gaming products ng PCSO, dahil papayagan na silang makalabas ng kanilang bahay sa panahon ng pandemya. Dipugaaaaaaa!

Pinabulaanan naman ni Atty. Lauro Patiag, ng PCSO Branch Operation Sector na may prangkisa ng STL na ipinasara dahil sa hindi pagbayad ng kaukulang General Monthly Retail Receipt (GMRR). Nilinaw ni Patiag na may prangkisa na delayed kung magbayad ng GMRR subalit walang pumatlang sa kanilang tungkulin sa PCSO. “Wala pong prangkisa na ipinasara ang PCSO board bunga sa hindi pagbayad ng GMRR. Sa totoo lang lahat hindi nakalimot magbayad subalit may iilan na late ng ilang araw,” ani Patiag.

Kaya naman hindi muna pinayagang magbukas ang tatlo sa 23 na bagong prangkisa dahil na-late din sila sa pagkumpleto o pagsumite ng kanilang requirements sa PCSO, ang paliwanag pa ni Patiag. Kapag nakumpleto na nila ang kanilang dokumento, makapagsimula kaagad ang tatlong prangkisa kinabukasan, ani Patiag. Dipugaaaaaaa!

Kaya lang may problemang sumulpot sa limang prangkisa na inaprubahan ng PCSO sa Metro Manila dahil may ilan sa kanila na hindi binigyan ng mayor’s permit ng mga siyudad na nakaatang sa kanila. Isa na rito ay ang Taguig City kung saan ikinandado ni Mayor Lino Cayetano ang mga draw court nila.

Nilinaw naman ni Southern Police District (SPD) director Brig. Gen. Jimili Macaraeg na ang STL sa Taguig City, Makati City, Pateros at Paranaque ay nakapagsimula na maliban sa Pasay City. Nagpaalam na ang apat na magsisimula sila at hindi naman hinadlangan ni Macaraeg ang negosyo nila dahil may ipinakita silang prangkisa na inisyu ng PCSO. Mismooooo! Dipugaaaaaa!

May balita namang kumakalat sa kalye na may ilang prangkisa rin ng STL na papaso na ang kontrata sa July 28, kabilang na rito ang Bulacan at Nueva Ecija na balwarte ng negosyanteng si Bong Pineda. Binabantayan sa ngayon ng mga kosa ko kung mapupunta sa Lucky 8 Gaming Corporation ang mga probinsiyang balwarte ni Pineda. Hak hak hak! Masaya ito!

Humahangos na nagreport ang kosa ko sa Camp Crame na halos 70 porsiyento ng STL sa Mindanao ay nasa kuwadra na ng Lucky 8. Ang daling hulaan kung sino ang may-ari ng Lucky 8, no mga kosa? Clue? Dipugaaaaaa! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Abangan!

PCSO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with