_pang-masa
^

Punto Mo

Kakaibang Eba (141)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HABANG masayang nag-uusap sina Mama Nitz at Inay Encar, niyaya ni Piolo si Mariz na magtungo sa likod ng bahay at naupo silang magkatabi sa ilalim ng punong mangga. Maraming bunga ang mangga na naglawit-lawit. Magandang tingnan na manibalang na ang mga bunga.

‘‘Gusto kong dito na manirahan, Mariz. Masarap ang buhay dito,’’ sabi ni Piolo at pinisil ang palad ni Mariz.

“Paano ang trabaho mo sa Makati?’’

“E di magbibitiw ako.’’

“Ipagpapalit mo ang buhay dito sa magandang buhay mo sa lungsod?’’

‘‘Oo.’’

‘‘Ipagpapalit mo ang iyong magandang trabaho Piolo?’’

‘‘Oo.’’

“Bakit Piolo?’’

“Dahil narito ka, Kung saan ka naroon, doon na rin ako. Hindi kita iiwan kahit isang saglit. Gusto ko lagi kang nakikita. Gusto ko lagi kitang kasama kahit saan. Aanhin ko ang buhay sa lungsod kung magkahiwalay naman tayo.’’

Biglang napaiyak si Ma-riz at sumubsob sa dibdib ni Piolo. Naramdaman ni Piolo na nabasa ang kanyang damit sa luha ni Mariz.

‘‘Huwag kang umiyak, Mariz.’’

‘‘Iyak ito ng kaligayahan, Piolo.’’

“Sure na ako sa plano ko Mariz. Gusto ko na rito.’’

‘‘Makakaya mo bang magtrabaho sa bukid – ang mag-araro at magtanim ng palay?’’

“Oo naman. Lahat ay napag-aaralan.’’

“Tuturuan kita, Piolo.’’

“Salamat, Mariz. Gusto ko bumili pa ng mga bukirin dito. Mayroon ka bang alama na nagbebenta ng property?’’

“Oo. Yung lupa na katabi ng sa amin ay binibenta. Mura lang.’’

‘‘Good. Tamang-tama. Mas maganda kung tabi-tabi ang property. Kailangan, makausap na natin ang magbebenta.’’

“Oo. Kakausapin ko.’’

“Kahit bukas babayaran ko.’’

(Itutuloy)

KAKAIBANG EBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with